Tuesday, June 13, 2017

Mga dapat tandaan sa pagpipitas sa halamang gamot(dahon) para sa pansariling gamit.

Maraming halamang gamot na ating nakikita sa mga pamilihan ngunit hindi natin matanto kng ito ay naaayon sa tamang pamamaraan ng pagproproseso nito, ito man ay dahon,ugat,sanga o alin mang parte ng isang halaman.

obserbahan muna ang palibot na nakapalibot sa halaman na ito,kailangang malusog,mas maganda kung malapit na ang pagsibol ng bulaklak nito,walang sugat o katas na lumalabas sa sanga,malayo o walang sakit o peste  o insekto,malayo sa kabahayanan at kalsada,imburnal,malayo sa daluyan ng maruming ilog o basurahan.

Pag naaayon ang mga  ito ay saka kayo mag umpisa sa pagpipitas sa mga hakbanging sumusunod;

Kung mga dahon :Una ay kailangan bago sumibol ang init ng araw(5am - 7am) para mabawasan ang agarang paglanta o pagkawala ng kinakailangang nutrihena nito.Magpitas lng ng kailangan sa isang araw lamang.Agarang hugasan maigi,pakuluin,at iwasan  magimbak sa ref. Ang mga hindi nagamit sa araw na iyon ay huwag ng muling gamitin ito sa susunod na araw bagkus ay itapon na lang. Pumitas tuwing umaga lamang.

Pagpapatuyo ng dahon:

Kailangang hugasan at patuyuin  sa silid (at room temperature)hanggang matuyo sa nais na pagkatuyo.Saka ninyo gamitin,magtatagal lamang ito ng dalawa o tatlong araw na pagiimbak.Obserbahan mabuti bago ninyo gamitin,pag may napansin kayong amag(white/black spots)agarang itapon o sunugin.

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...