Ang COCOS CIDER VINEGAR ay galing sa sabaw ng niog na tinagurian din itong TREE OF LIFE. Sabi ng ating mga guro noon na ang ibig sabihin ng tree of life sa niog ay dahil sa maraming naibibigay na magandang dulot sa ating buhay ang niog.Andiyan ang walis,bunot sa sahig,tabo,tasa,butones,plato,pawid,haligi at marami pang iba.
Ito ang naibibigay ng isang puno ng niog sa pang araw araw nating buhay ngunit ako ay nanaliksik kung bakit life ang ginamit na salita sa tree of life,aking sinaliksik ang totoong ibig sabihin ng tree of life.
Dahil sa kurso kong Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science minor in Animal Husbandry madali nasa akin ang pag reresearch ngunit mahabang panahon at malaking halaga ng pera ang gagastusin sa pagreresearch ko sa salitang life sa tree of life na niog na kasama pa ang fountain of youth.
Nag umpisa ito sa simpleng pananhalian sa ibang bansa habang kasama ko ang kaibigan na ang pinag uusapan namin ay sa carrots,kung anong maibibigay ng carrots sa ating kalusugan.Nagtanung din siya kung bakit mapili ako sa bawat kinakain kong mga gulay.Lahat yon ay aking sinagot na mapili ako sa aking kinakain at kontrolado ko ang bawat isubo ko dahil sa wala ng pagkain ng tao sa mundo na ligtas kainin,lahat ay may kasamang lason sa ating kalusugan kaya't maingat ako.Kaya't nakumbinse akong gumawa ng pag aaral na isang uri ng antidote na maiflush ang mga toxins na kasama sa ating kinakain.
Doon ko naisipan ang mga katagang tree of life sa niog,na ang bunga ng niog ay nag umpisa sa tubig bago makagawa o makabuo ng laman nito na kapag walang sabaw ng niog ay tiyak na hindi matutuloy ang pagbuo ng laman nito.Na yong laman ng niog naman ay siyang numero unong pangangailan natin sa ating buhay;nandiyan ang copra,coconut oil,flour,gata sa ating mga pagkain at marami pang iba.Ang sabaw ng niog ay buhay ng isang bunga ng niog para makabuo ng napakagandang bagay na pangunahin nating gamit ng tao.At ang sabaw ng niog ang siyang pinakasentro sa bunga o ang siyang tinatawag na "core" na siyang buhay.
Naalala niyo rin ba ang mga turo ng ating mga guro noon habang tayo ay inaantok sa loob ng klase na magkwekwento sila sa mga salitang "fountain of youth" na nasa tuktuk ng bundok na bukal ng tubig na siyang iinumin para lagi kang sariwa at bata.
- Ang bukal ng tubig na siyang iinumin sa tuktuk ng pinakamataas na bundok ay aking hinalintulad sa mala posteng taas ng isang puno ng niog na kaakibat ang panganib ng buhay kapag iyong inakyat at pitasin ang isang bunga ng niog na nasa sentro naman nito ang tubig nito na paghihirap muna bago mo ito makuha.Ngunit sa "agronomic principles" bago ito maging kaiga igayang inumin; maasim na katamtaman,isang lagok lang umaga at gabi,at sa paglipas ng mga taon o dekada doon mo makikita ang magandang dulot ng sabaw ng niog na bigay sa atin ng nilikha para kasama natin sa ating buhay.