Noong 2005 habang nagreresearch ako sa paggawa ng COCONUT WATER VINEGAR ay ang una kong titignan ay sa market ay ang mga existing na vinegar na naka display sa shelf dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Napakamura dito sa atin mga vinegar ngunit napag alaman ko rin na kayat mura dahil sa kanilang proseso at ingredients n ginagamit.May mga gumagamit ng crystalized acetate acid,glacial acetate acid,na ang sabi ay yon ang trend sa panahon na yon.
Nakakatakot at nagugulat kung bakit ganoon ang mga gamit,dahil ang rason ay madali at mabilis ang pera,at malaki ang kita.Parang ayaw ko ng tumuloy sa aking research ngunit kapag hindi ko naman ituloy ay ako ang talo,ako ay magkakasakit ng malala dahil paborito pa nilang gamitin sa aming kusina,nagagalit nga ako sa bahay kapag bumibili sila ng vinegar sa grocery na siyang gagamitin sa pagluluto.
Kailangan kong ituloy ang pag aaral na yon at kailngan magawa ko at maprove ko na ang aking gagawin na vinegar ang siyang panlaban sa mga naglipanang mga sakit.
Masama ang epekto sa kalusugan mga vinegar na nasa merkado na hindi alam ng publiko.Kayat dumadami na ang nagkakabukol,nagkakakanser na parang ordinaryo na rin ang mga sakit na ito.
Ang NATURAL COCONUT WATER VINEGAR ay ginamitan ng FERMENTATION PROCESS na ang ibig sabihin nito ay "binuro " upang makuha natin ang wastong kailangan ng ating katawan,nagtataglay ito ng "good bacteria ",na ang good bacteria na ito ang siyang kailangan ng ating katawan upang mas malakas at hindi madaling dapuan ng mga sakit.Nagtataglay mga ito ng enzymes ang mga good bacteria na ito na siyang tutulong upang malakas tayo.
Hindi mabubuhay ang good bacteria kung ginamitan ito ng synthetic acetate acid.Ang nga vinegar na may synthetic acetate acid ay isa o pitong araw ay vinegar na at madaling maexpiran at walang latak na nakikita sa ilalim ng bote.Hindi nagbabago ang kulay.
Ang gawa kong NATURAL COCONUT WATER VINEGAR ay mas lalong sumasarap habang nagtatagal sa bote,pabago bago ang kulay,may latak at matagal ang expiration.Ito ang vinegar na nagpapahaba ng buhay.