Ang sariwang malunggay na dahon o"moringa" ay mainam na uri ng gulay para sa ating katawan,nagtataglay ito ng bitamina,minerals,micro nutrients,mataas na fiber at protina.
Pag ang sariwang dahon ng malunggay ay pinitas,dahan dahang bumababa o nawawala ang bilang ng ibang nutrients,mas mabilis na nawawala ang anti oxidants nito at enzyme.
Ang anti oxidants at enzymes ay karaniwang matatagpuan sa mga sariwang dahon na ating kinakain depende naman kung gaano kabilis o katagal ang pagkalagak nito sa loob ng kusina o sa palengke.Mas lalong nakakaapekto na mawala agad sa pagpitas,init ng araw,pagsalin salin ng lugar,ang tagal ng pagbabad sa tubig habang hinuhugasan at sa tagal ng pagpapakulo o pagluluto nito.Mas lalong hindi mainam ang inuulit ulit na pagiinit bago ihain sa hapag kainan pag ito ay lumamig.
Ang sariwang dahon ng malunggay ay madaming pagkaiba naman sa eprinoseso,pinatuyong dahon saka ginawang pulbos at saka inilagay sa capsule.
Ito inyong mapapansin ang haba ng pagkaka salinsalin habang iprenoproseso bago isinalin sa kapsula,habang nagpasalinsalin sa pagkagawa nito,ito naman ay nakakaapekto sa pagkawala at swerte na lang kung pagkaunti ng mga mahahalagang nutrients na taglay nito.Mas lalong napakadelikado dahil sa bawat oras o minuto na makalipas ay nagkakaroon ito ng amag at yeast.
Ang sariwang malunggay na dahon ay mataas ang fiber na taglay nito,ang trabaho sa ating katawan ay tagalinis o tagawalis sa ating kalamnam sa mga basurang nakadikit sa ating loob looban kayat napapansin nyo din na kapag inihalo itong sariwang dahon sa ating pagluluto ay buo din itong ating nailalabas.
Kayat mas mainam na kumain na lang ng sariwang dahon ng malunggay na ipanghalo sa ating mga gulay sa hapag kainan.