Friday, October 23, 2015

Paano gumawa ng sariling abono sa maliit na halamanan.

Sa inyong kusina kung saan ninyo iniluluto ang pagkain ng inyong pamilya ay doon ninyo matatagpuan ang mga kailangan ng inyong mga halaman na tanim.

Ang inyong pinaghugasan sa bigas at isda ay mainam na abono at ito din ang masustansyang abono na kailangan ng ating mga halaman.

Ipunin at agad agad na isabog o idilig sa inyong mga tanim.Iwasang madampian ang mga dahon o dili kaya ay inyong banlawan ng tubig gripo ang mga halaman.

Gawin ninyo ito kahit araw  araw at hindi ito nakakasama sa mga halaman bagkus mapapansin nyo mga naggagandahang bunga ,bulaklak o dahon ang isusulit o maibibigay sa inyo ng inyong mga halaman bilang kapalit sa pagmamahal na ibinibigay sa kanila.

No comments:

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...