Wednesday, November 11, 2015

Ang buhay ng isang halaman..


Ang sustansyang galing sa lupa  ay nagiging enerhiya ng isang halaman sa pamamagitan ng paghigop ng mga ugat nito.Una,hihigupin ng pinakamaliit na ugat(tertiary roots) na nakadikit sa (secondary roots) na nakadik sa unang malaking ugat.Dadaan ito sa ikalawa at unang ugat(primary roots) paakyat sa mga bahagi nito na dadaan sa mga puno,sanga,hanggang makarating sa mga dahon at bunga nito.Pantay pantay na pamamahagi sa lahat ng bahagi nito.

Habang paakyat ang mga sustansiyang hinigop ng ikatatlong ugat sa lupa, kaakibat ang mga ito ang sikat ng araw sa pamamagitan ng photosynthesis na isang uri ng pagproseso  ng isang halaman  para madali naman nilang magamit mga ito bilang enerhiya.

Ang chlorophyll naman ay siyang nagpapaberde ng kulay nito at nagsisilbing green pigmentation ng isang halaman para maging kulay berde sa mga berdeng dahon.Kung napapansin ninyo na ang mga halaman ay may mga ibat ibang klase o uri ng mga kulay ng dahon depende  na rin sa klima na nakakaapekto naman sa  chorophyll  na nagiging sanhi ng pagbabago ng mga kulay ng isang halaman at kasama na rin  kung anung uri ng genes na kaakibat nito kayat berde pag berde,dilaw pag dilaw,purple pag purple pero lahat ng mga ito ay dumaan sa chlorophyll.

Ang sustansiya ng lupa ay may nangyayaring proseso habang umaakyat papaitaas sa mga dahon nito at sa dulo sa mga prutas nito.Mas malakas humigop ng sustansiya ang isang halaman pag sumapit sila sa stage ng flowering o pamumukadkad ng mga bulaklak para maihanda naman nila ang mga sustansiyang kailangan ng mga bunga na magiging pagkain naman ng mga tao.

Kapag mayroong kakulangan sa sustansiya ng lupa na hindi sapat sa  kailangan ng halaman, ito ay nagkakaroon ng mga senyales o sintomas para ipaalam sa nag aalaga at mapansin naman ito,pero oras na isinantabi naman ang kakulangan ng mga ito,nagiging sanhi ng pagkamatay o maliliit na bunga o dili kayay kakulangan sa paglaki nila o tinatawag na staunted growth.

Meron tatlong napakalaking nutrihina na kinakailangan ng isang halaman;(N,P,K).Ang N ay nitrogen,P ay phosporous at K ay potassium.

Ang Nitrogen ay para sa pagpapalaki o growth ng halaman,Phosporous ay sa mga vegetative parts at ang Potassium  ay siyang namamahala sa flowering o fruiting stage nito.Micro nutrients naman ang tawag sa mga ibat ibang minerals.

Kapag may kakulangan sa maliliit na nutrihena, ang tawag naman dito ay defficiency.Makikita ang mga kakulangan nito  sa mga ibat ibang bahagi o parte ng isang halaman.Kapag hindi maagapan mga ito,tuluyang hindi mapapakinabangan ang bunga ng mga ito.



No comments:

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...