Tuesday, November 3, 2015

Daing na Bangus...masarap na ,masustansiya pa..

Materiales:
1 kilogram Bangus(linisin at hugasan)
50ml COCOS CIDER VINEGAR
4 butil na bawang(hiwain na maliliit)
vetsin(hatiin lamang yong tig dos na vetsin)
paminta powder(dos pesos)
asin (ayon sa inyong panglasa)

Kumuha ng lalagyan para sa inyong pagtitimpla,ilagay ang mga sumusunod;50ml cocos cider vinegar,bawang,vetsin,asin,paminta.Haluhaluin at saka tikman na naaayon sa inyong panglasa.

Pag ayos at ok na ang lasa saka ninyo ilatag ang bangus na inyong nalinisan sa inyong tinimplahan na pambabad na nakataob at flat na flat ang pagkaayos para mababad lahat ng bawat parte nito.

Ilagay sa ref ng lima o anim na oras,saka ninyo iprito.

Ibang amoy ang inyong malalanghap habang inyong ipriniprito.Andon ang kakaiba at kabihagbighaning amoy na kadyat gugutumin kayo habang ito ay inyong ipriniprito pa lamang.

Sa ganitong paraan ay nahahainan  nyo pa ang pamilya ng masustansiya at simpleng putahe na matitikman lamang sa kabukiran. 

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR  sa mga selected branches ng PUREGOLD sa Metro Manila at EARTHORIGINS  lamang.

No comments:

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...