Anim kaming magkakapatid,pangalawa sa bunso,aming naranasan ang hirap ng buhay.
Dahil pangalawa sa bunso,aking naabutan ay ang paghina ng aking mga magulang.
Aming tiniis ang kahirapan noong pagtunton ko ng kolehiyo,minsan hindi na kumakain ng tanghalian para makapasok ng paaralan,walang almusal ay aming pangkaraniwan ng tanawin.
Bago pumasok ay nagsusungkit muna ng talaba aking nanay kasama ako at aking kapatid para maitinda agad sa mga kapitbahay para sa aking isang pisong baon(25 sentimos ang jeep pa noon;25 sentimos din sa bangkang de motor bago makarating sa paaralang aking pinapasukan,ganun din sa pagbalik,malas na lang pag maulan o may bagyo aking maabutan sa daan.
Ganun lagi aming ginagawa ng aming nanay para lang hindi ako mahinto sa paaralan,ngunit kung minsan talagang walang wala ay uutang na lang ang aking magulang sa 5 6 makaraos man lang.
Tuwing sasapitang exam,maaga akong pumupunta sa presidente ng paaralan para magpapirma ng promisory note sa kaniya,dasal din nila na harinawa ay aking makamit ang makatapos ng pagaaral sa kursong BSAgriculture major in Agronomy.
Unang natuwa aming magulang nuong akoy magtatapos,aking silang niyayang umakyat sa entablado para sila ang magsabit ng aking pagtatapos,silay nanginginig at maluha luha sa tuwat kagalakan dahil sa wakas may isang anak silang nakatapos sa kolehiyo.Hindi ako tumigil para makamit at maranasan man lang nila ang kaginhawaan na nuon lang nila natikman.
Hanggang dumating ang taon ang paagdating naman ng sakit na walang patawad na iginuho na rin sila.

No comments:
Post a Comment