Wednesday, October 4, 2017

Ang tamang pangangalaga ng LUPA

Ang lupa ay nangangailangan din ng tamang pangangalaga tulad din ng pangangalaga sa mga halaman.Kapag palagi kang nag aabono sa iyong pananim na walang pakundangan ay nagiging acidic o pangangasim na ikasasama ng lupa at pati ang halaman na ang magtatamasa naman ay tao sa pamamagitan ng naani ng mga halaman na ito.

Paano malalaman na ang iyong lupang iyong pagtatamnan ay tama sa nutrihinang kailangan ng iyong halaman;

Una ay magpa analisa sa pinakamalapit na agricultural office sa inyong lugar,dito tuturuan kayo kung papaano makakuha ng samples ng inyong lupa para maeksamin kung ilang porsyentong NPK ang nilalaman ng inyong lupang pagtatamnan o kaya'y para makasiguro kayo lagyan nyo ng compost o mga tuyong dumi ng hayop.Kailangan ay mga bulok na.

Kapag may tanim na kailangan malusog at walang paninilaw ang mga dahon nito ang inyong mga halaman at walang senyales ng anumang uri ng sakit.
Tandaan na ang malusog na lupa ay nagbibigay ng magandang ani na kapakipakinabang naman sa atin.

No comments:

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...