Saturday, October 21, 2017

Malunggay

Sa dinarami rami ng mga herbal na lumalabas sa pamilihan,karaniwan na sa atin ay naguguluhan sa pagpili ng kaniyang iinumin,naglipana na ang mga herbal mapabangketa man o sa palengke,o kaya'y mga nag hahouse to house.
Naranasan ko din ito noong 2002 ng dapuan ako ng high blood.Ang mamahal pa ang mga iba,magaganda din ang mga paliwanag sa mga prospects nila.
Bilang agronomist,napakahirap mabigyang linaw kung papaano nila ito ginawa.
Halimbawa,ang malunggay,ang malunggay ay maganda sa ating katawan kapag ito ay sariwa at ihalo sa ating mga pagkain,ito yong tinatawag na poor man's food.Ngunit kapag idinaan sa ibang proseso halimbawang drying method,nawawala ang mga ibang nutrihena nito,at hindi lang drying dahil dapat hindi mawawala ang dark green nito habang pinatutuyo.Ang sumunod na proseso  ay ang powderization.Ang prosesong ito ay dapat maingat ang gumagawa nito dahil kapag hindi maganda ang pagtutuyo sa dahon ito ay kaakibat ang mga bacteria,molds o yeasts na delikado sa ating katawan.Kaya't di ko pinangarap na gumawa ng ganitong klase dahil madaming isaalang alang,una ay ang kalinisan,kapaligiran ng tinamnan ng halaman,malayo sa pestisidyo o kemikals at higit sa lahat ay ang kaalaman ng gagawa pagdating sa halaman.
Kadalasan  ang mga nakalagay sa labels nila ay noong sariwa pa ang malunggay at hindi doon sa after processing .
Ang mga nutrehina ng mga gulay gulay ay mabilis mawala,naguumpisa sa pagpitas,habang nasisikatan na ng araw o nalalanta na ang isang gulay ay nawawala na ang mga sustansiya ng mga ito,pero hindi naman lahat.Habang dumadaan sa iba't ibang proseso,nawawala na ang mga sustansiyang kailangan ng ating katawan,kadalasan ang naiiwan na lang ay ang fiber.
Ang malunggay kapag inihalo sa monggo,malunggay pa rin pag lumabas pag dumi natin;kapag nakakapsule naman ang malunggay,saan pupunta ang dahon na iyon.Alam niyo ba kung saan pumunta mga ito?nakadikit lang sila sa ating mga bituka at doon magtitipon tipon lamang.
Ang taong umiinom ng malunggay capsule at kapag uminom sila ng COCOS CIDER VINEGAR ay ang magiging dumi nila sa una hanggang tatlong araw ay kulay green.Bakit green?ang ibig sabihin nito ay yong fiber ng dahon na iyon ng dahil powdered siya ay hindi lumabas sa ating katawan bagkus dumikit lamang sa ating bituka.

No comments:

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...