Tuesday, October 24, 2017

Bato sa bato

Problema sa bato o bato sa bato:

Dahil taga norte ako,mahilig kami ng may sawsawan na may patis o bagoong,kaya't edad 26 pa lang ako noon nagkaroon ako ng problema sa bato,nag umpisa sa U.T.I. at naging kalaunan ay may bato na.
Syempre takbo ako sa doktor at nagpakonsulta,neresetahan naman ako ng mga gamot.Sa unang buwan may lumabas na isang bato.

Hanggang sa nag abroad ako at tuloy tuloy pa rin ang pag inum ko ng gamot na umabot ng sampung taon,hindi nawala ang sakit ko.Akala ko tama na ang nakakabili ng mga gamot ko,hindi ko inintindi ang mga susunod na matamaan kung anu pa ang maapektuhan sa akin,basta ang importante sa akin ay kumita ng pera para makabili ng aking gamot at pamilya.

Hanggang 2002 sinumpong ako ng aking sakit na bato,matinding sakit,hindi ko alam kung dudumi o iihi at namamanhid ang likod ng baewang ko.
Tamang tama na may Cocos Cider Vinegar sa aking tabi at ininum ko kalahati ng isang tea cup at nakatulog ako.Pagkagising ng madaling araw   takot akong umihi baka maramdaman ko na naman ang sakit ngunit sa dulo ng pag ihi ko ay kaunting kirot na lamang.Uminum ulit ako ng ganoong karami kada anim na oras sa loob ng dalawang araw,sa awa ng Dios,kada oras lagi akong naiihi ng marami sa loob ng tatlong araw.Hanggang ngayon hindi na bumalik ang sakit ko sa bato.
Mabibili ang COCOS CIDER VINEGAR sa mga branches ng Puregold,sta lucia east mall at earth origins sa halagang P200 kada bote.

No comments:

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...