Sunday, March 4, 2018

Cococider bath soap

Para sa mga taong naghahanap ng pinakamurang sabon .

Sa mga taga probinsiya ay pwede rin makaorder at ipapadala namin sa bus,courier o sa barko,magdagdag lamang ng freight.

Ang sabon na ito ay natural,walang amoy,maganda sa mga taong may dinaranas na hindi maganda sa kanilang balat o mukha gaya ng pekas,taghiyawat,mga kagat kagat ng insekto,pangangati ng balat,mga itim itim sa mukha na sanhi ng kemikals na ipinahid sa mukha,rashes at iba pa.Mas lalong nagpapaganda sa balat dahil pinakikinis nya ang balat.

Etex o tumawag lamang sa 09198138915 smart, 09974216980 sa TM/ globe.


Sunday, January 28, 2018

Actual result.

Actual result after 16 years of application at 58.
Before bath,mix a tbsp of COCOS CIDER VINEGAR to 40 liters of water to your bath.

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa mga PUREGOLD branches nationwide.

Tuesday, January 16, 2018

Resource speaker

Naalala ko habang nasa podium ako bilang guest speaker sa UPLB noong April  2016,tungkol sa ginawa kong research/ study sa COCOS CIDER VINEGAR at COCOCIDER BATH SOAP ;ako ang huling nagsalita,ang nauna ay ang banana chips ng UPLB,pumangalawa ay ang food scientist na ang topic a wide array ng paggawa gaya ng camote,cassava,suka.Pero ang sentro sa lahat ay ang dala ko.
Nginig at kaba habang nagsasalita sa harap nila dahil una biglaan lamang ang imbitasyon,kaya't 15 minutes lang ang pagsasalita ko.Nakita. ko sa mukha ng mga estudyante ang mangha at interesedo silang makinig kahit pahapyaw lang.Iniletanya ko ang hirap at pagod ng pagreresearch,ang pagkutya ng mga kakilala at mga nakaupo sa gobyerno noong nakaraang administration,ang hindi nila pagtulong at madamot sa mga resources na kakailanin ko sa research.Gumaralgal ang boses ko na maluhaluha habang nagsasalita ,sinabi ko rin ang hirap ko sa ibang bansa at hindi lang ako kundi lahat ng Pilipino,hirap na hirap sa babaw ng pagtingin ng mga foreigners sa bawat Pilipinong nagpapaalipin sa ibang bansa.
Edenetalye ko rin ang paghingi ko ng tulong sa ibang bansa para pandagdag sa gagawin kong research na alam kong makakatulong sa bansa ko.May mga audience namang mga empleado ng gobyerno at batid kong wala din silamg magawa sa kapanahunan yon.
Nagalak na lang ako ng natapos ako sa podium at nagtayuan at nagsilapitan mga estudyante para sa picture picture remembrance daw at biniro ko na lang sila na wag ikalat sa FB,at agad agad din akong nakaalis sa venue.

Sunday, December 10, 2017

Tree of life


Ang COCOS CIDER VINEGAR ay galing sa sabaw ng niog na tinagurian din itong TREE OF LIFE. Sabi ng ating mga guro noon na ang ibig sabihin ng tree of life sa niog  ay dahil sa maraming naibibigay na magandang dulot sa ating buhay ang niog.Andiyan ang walis,bunot sa sahig,tabo,tasa,butones,plato,pawid,haligi at marami pang iba.

Ito ang naibibigay ng isang puno ng niog sa pang araw araw nating buhay ngunit ako ay nanaliksik kung bakit life ang ginamit na salita sa tree of life,aking sinaliksik ang totoong ibig sabihin ng tree of life.

Dahil sa kurso kong Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science minor in Animal Husbandry madali nasa akin ang pag reresearch ngunit mahabang panahon at malaking halaga ng  pera ang gagastusin sa pagreresearch ko sa salitang life sa tree of life na niog na kasama pa ang fountain of youth.

Nag umpisa ito sa simpleng pananhalian sa ibang bansa habang kasama ko ang kaibigan na ang pinag uusapan namin ay sa carrots,kung anong maibibigay ng carrots sa ating kalusugan.Nagtanung din siya kung bakit mapili ako sa bawat kinakain kong mga gulay.Lahat yon ay aking sinagot na mapili ako sa aking kinakain at kontrolado ko ang bawat isubo ko dahil sa wala ng pagkain ng tao sa mundo na ligtas kainin,lahat ay may kasamang lason sa ating kalusugan kaya't maingat ako.Kaya't nakumbinse akong gumawa ng pag aaral na isang uri ng antidote na maiflush ang mga toxins na kasama sa ating kinakain.

Doon ko naisipan ang mga katagang tree of life sa niog,na ang bunga ng niog ay nag umpisa sa tubig bago makagawa o makabuo ng laman nito na kapag walang sabaw ng niog ay tiyak na hindi matutuloy ang pagbuo ng laman nito.Na yong laman ng niog naman ay siyang numero unong pangangailan natin sa ating buhay;nandiyan ang copra,coconut oil,flour,gata sa ating mga pagkain at marami pang iba.Ang sabaw ng niog ay buhay ng isang bunga ng niog para makabuo ng napakagandang bagay na pangunahin nating gamit ng tao.At ang sabaw ng niog ang siyang pinakasentro sa bunga o ang siyang tinatawag na "core" na siyang buhay.

Naalala niyo rin ba ang mga turo ng ating mga guro noon habang tayo ay inaantok sa loob ng klase na magkwekwento sila sa mga salitang "fountain of youth" na nasa tuktuk ng bundok na bukal ng tubig na siyang iinumin para lagi kang sariwa at bata.


  • Ang bukal ng tubig na siyang iinumin sa tuktuk ng pinakamataas na bundok ay aking hinalintulad sa mala posteng taas ng isang puno ng niog na kaakibat ang panganib ng buhay  kapag iyong inakyat at pitasin ang isang bunga ng niog na nasa sentro naman nito ang tubig nito na paghihirap muna bago mo ito makuha.Ngunit sa "agronomic principles" bago ito maging kaiga igayang inumin; maasim na katamtaman,isang lagok lang umaga at gabi,at sa paglipas ng mga taon o dekada doon mo makikita ang magandang dulot ng sabaw ng niog na bigay sa atin ng nilikha para kasama natin sa ating buhay.





Paninigarilyo

Paninigarilyo;

Any sigarilyo ay gawa sa tabako na nagtataglay ng 47 kemikals at heavy metals na masama sa atng katawan kaya't asahan na lang natin na ang mga taong may ganitong bisyo o gawain ay magkakaroon ng malalang sakit sa baga,o mula sa labi,bibig,lalamunan hanggang sa baga  o ang pinakamalala ay ang cancer na dulot ng nikotina na nasa paghihitit ng sigarilyo.
Kahit na itinigil na ng isang tao ang bisyo na ito,nasa loob pa rin ng kaniyang katawan ang mga nikotinang ito na handang umatake kapag humina na ang katawan nito.
Mapapansin din natin na ang mga taong naging gawain ay ang paghitit nito ay may sintomas na tuyong ubo na pasaglit saglit hanggang sa tuloy tuloy na ubo na para bang mawalang na ng paghinga o paluha luha habang alumpihit na ubo na kalaunan ay may kasama ng konting dugo.Na ang nikotina ay kumukuha din ito ng lakas para magparami sa loob ng katawan at pag nagutom na ay handang umatake .
Ang solusyon sa problemang ito ay habang maaga o bata pa ay itigil na ang paninigarilyo o doon naman sa taong malala na sa bisyong ito ay mag COCOS CIDER VINEGAR  na.

Tinutunaw ng COCOS CIDER VINEGAR ang mga kapit na kapit na plema,pinapatay nito ang mga bakteria na sanhi ng ubo,at binabawasan at unti unti niyang tinutunaw ang kumapit na nikotina sa mga cellula dahil sa taglay nitong "natural acid" na siyang tumutulong upang matigil ang sanhi ng pag ubo.Palalakasin nito ang katawan dahil sa mga minerals na nasa loob ng bote.

Mabibili and COCOS CIDER VINEGAR sa lahat mg branches ng PUREGOLD at STA LUCIA EASTMALL sa halagang PHP200

Monday, November 27, 2017

BAKIT COCOCIDER VINEGAR ANG MAINAM NA GAMITIN NIYO.

Noong nakaramdam ako ng pamimigat ng batok, pumunta ako sa clinic para magpa b/p at doon ko nalaman na mataas pala ang dugo ko na 140/100,nakatatlong beses kong ipinaulit baka kako nagkamali ang student nurse sa pagkuha ng bp ko ngunit yon at yon pa rin ang lumalabas.Hinintay ko ang doctor para malinawan ang sakit na ito,sinabi niya na magmantene habangbuhay ng gamot.Pinapunta ako sa laboratory dito sa bayan para malaman ang sanhi,at nakuha ko naman agad ang resulta,nakagastos na siguro ako ng kulangkulang na isanglibo,at nabasa ko na mataas ang bad cholesterol ko.

Pero neresetahan na ako ng tatlong klaseng gamot at pagkalabas ko kinusot ko na lang reseta sa akin dahil ayaw kong magmentene ng gamot habangbuhay pa na alam kong hindi ako gagaling at ang masaklap pa,marami ang maaapektuhan na parte ng katawan ko sa katagalan.

Gulonggulo ang isip ko noon,pero nagtry pa rin ako ng maraming herbals pero pag aking nababasa ang procedure kung paano nila ginawa ay nawawalan ako ng gana na inumin at hindi ko na itinutuloy na inumin.Ganon at ganon rin ang nangyayari at walang pagbabago sa bp ko,hanggang ako na lang ang gagawa ng iinumin kong gamot at alam kong gagaling ako.Inom na na inom ng aking ginagawang suka na kasama na roon ang pagbabasa ng mga libro dahil alam kong may epekto sa akin kaso ang pagkakaiba lang ay wala akong basehan kung papaano ito gumagana,kaya't ipina analized ko ito sa ibang bansa sa tulong ng matalik kong kaibigan at dasal ko lagi noon na sana may manganese na kaakibat na mineral sa ginagawa kong suka.At nakalipas ang dalawang buwan saka dumating ang technical analysis ng produkto kong ito at laking tuwa ko dahil hindi lang manganese na mineral ang laman nito na mayroon pang magnesium at iba pa.Tuloytuloy pa rin paginum ko habang nagbabasa pa ng maraming libro kung bakit,papaano,bakit at papaano.Yan ang madalas kung tanong habang nagbabasa ako ng mga libro tungkol sa produkto kong nagawa.Hanggang sa paglipas na ng mga limang taon,napapansin na ng mga kaibigan ko na kumikinis na ang mga balat ko.Pero tuloy tuloy pa rin pagiinum ko ng sukang gawa ko at sinasabi ko sa mga kakilala ko ngunit ayaw nilang maniwala na hanggang umabot ito ng mahigit labinglimang taon at ito na ang naging katawan ko,naging sariwa na at medyo naswertehan ng kaunti ng puhunan kaya ito ay nasa merkado na na ang naging brand niya ay "COCOS CIDER VINEGAR".Nasa PUREGOLD ,STA LUCIA EASTMALL na ang gawa kong produkto na iisa lang ang aking hangarin na kahit sa sumpleng paraan man lang,makatulong sa mga naghahanap ng kalutasan at maibsan man lang ang sakit at kirot na kanilang nararamdaman sa kanilang karamdaman.





Saturday, November 25, 2017

ALAM NIYO BA?

Alam niyo ba na ang COCOS CIDER VINEGAR ay buhay pa hanggang ngayon ang nakaimbento nito?
At kapag inyong makita ng personal ng taong nakagawa nito ay napaka simpleng tao lang siya,walang arte sa katawan.Kasingkinis ng labingwalong taon gulang kung ikumpara sa balat niya.Kasing tikas ng beinte sais anyos ang tindig niya.

At wala siyang ibang gamit na pampersonal kundi ang COCOS CIDER VINEGAR ang lagi niyang iniinom at COCOCIDER SOAP naman ang personal niyang sabon.

Habang nasisikatan siya ng araw ay mamula mula ang kutis ,para bang mga prutas ang lagi niyang kinakain luma pa ang mga kilalang personalidad pag ikumpara ang balat niya.

Wala pa yatang imbentor sa PILIPINAS ang nakagawa ng kapakipakinabang na produkto na nabubuhay sa ngayon na siya ang modelo o yong nakaimbento mismo ang gumagamit at umiinom ng kaniyang naimbento.

Di tulad ng mga ibang brand ng mga produkto na Yong nakaimbento ay wala na yata sa mundo o hindi nakikita sa madla at walang papares ng COCOS CIDER VINEGAR at itong blog na ito ang siyang nagiging parang "diary" para maikalat sa mga taong naghahanap o nalulumbay sa kanilamg karamdaman na naghahanap ng makakatulong upang maibsan man lang ang sakit na ang COCOS CIDER VINEGAR lang ang may magandang dulot sa kanilang kalusugan at kahit na Pilipino ang gumawa nito ay maipagmamalaki natin ang kahalagahan ng aking produkto na nagsasabing totoo at nagpapatotoo kung ano ang naging epekto ito .

Nagmula at nakaranas ako ng mga sakit na katulad ng karamihan at napagaling ako nito,pinag-aralan at inalisa lahat ng anggulo ng COCOS CIDER VINEGAR ng mahigit na labinglimang taon bago isinapubliko ang kahalagahan nito,ang patunay ay ang gumawa mismo na pumuti na ang buhok pero taglay pa rin niya ang tikas at tindig na siyang hanap ng karamihan sa kanilang kalusugan.

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa lahat ng PUREGOLD branches,EARTH ORIGINS STORE at STA LUCIA EASTMALL lamang.

Ang COCOCIDER VINEGAR ay sa EARTH ORIGINS STORES,STA LUCIA EASTMALL at sa Bulacan Skin care product lang o tumawag sa 09437028381



Friday, November 24, 2017

KAMAY/BRASO

Ang pagiinum ng COCOS CIDER VINEGAR umaga't gabi at malaking maitutulong sa pang-araw araw na Gawain. Pinalalakas ka niya at alaga ka buong katawan para labanan na maaaring dumapong sakit .
Ngunit hindi sapat ang araw o buwan ngunit taon ang bubunuin para makamit mo ang mabagal na pagtanda ng iyong mga balat.
Ang picture na nasa baba ay ang aking kamay na tanda ng pagaalaga ng COCOS CIDER VINEGAR sa akin sa loob ng labing limang taon. Hindi kulubot ang mga palad na buhay na buhay sa edad na 58.Nawala din  mga kalyo.
Ito ang aking mga sekreto sa pananatili ng aking kalusugan.

Tandaan tatak COCOS Cider Vinegar ang inyong piliin sa mga branches ng PUREGOLD sa halagang PHP200 lamang.

Thursday, November 23, 2017

BALAKUBAK

Balakubak;

Maraming sanhi ito gaya ng matatapang na shampoo,hindi gaanung paglilinis ng anit habang naliligo,nandiyan din ang pollution sa hangin,excessive intake ng fats at iba pa.
Lumalala ito hanggang sa dako ng noo,leeg na parang may guhit na umaalsa na makati.
Epektibo ang paghahalo ng COCOS CIDER VINEGAR( dalawang kutsara) sa isang batyang tubig.Gawin ito mula umpisa hanggang sa huling buhos ng inyong pagligo,arawaraw.Tanggal ang balakubak at malambot amg buhok.
Mabibili sa lahat ng PUREGOLD branches ang COCOS CIDER VINEGAR sa inyong lugar. Hanapin lamang ang brand na COCOS. 

Wednesday, November 22, 2017

Ang naging epekto.....

Ito ang naging epekto ng labinglimang taon komg pagiinum ng COCOS CIDER VINEGAR sa edad kong 58.
Pagkagising pagkatapos ng paglinis ay inom ako nito ng 2 kutsara at sa gabi naman ay 5kutsara bago matulog arawaraw.
Mabibili lamang ang COCOS CIDER VIMEGAR sa PUREGOLD branches,STA LUCIA EASTMALL,EARTH ORIGINS.

Friday, November 17, 2017

Bakit mas magandang gamitin ang COCOCIDER VINEGAR at COCOCIDER BATH SOAP.

Bakit mas maganda and dulot sa ating kalusugan ang COCOS CIDER VINEGAR at COCOCIDER BATH SOAP;

Alam naman natin na ang sabaw ng niog ang siyang pinakamalinis na tubig sa balat ng lupa,tinagurian din siyang "TREE OF LIFE".Ngunit hindi pa malinaw kung anu ang totoong ibig sabihin sa mga katagang ito na nagkaedad na ako ay nais kong matumbok kung anu ang totoong kahulugan nito.May nabasa akong libro na ang titulo ay "Nutrition Book 1960 edition,nalimutan ko na ang author nito.Nabasa ko ito noong 2005 na sinabi niya dito na noong bago sumiklab ang digmaan ay sekreto ng ingredient ang coconuts sa mga infant milk.Sekreto dahil noon ay may mga phobia pa ang mga tao sa fats na kinapapalooban nito.Na ngayon na lang napagtanto na ang fats na nasa niog ay magandang uri ng fats.
Na ang ibig sabihin na pag laging may kasamang niog ang mga pagkain na idudulog sa hapag kainan ay nalalayo kasa anumang uri ng sakit.
Dahil ang tubig ng niog ay siyang bumuo ng laman nito kaya't doon ko inisip na nasa sabaw nito ang totoong "TREE OF LIFE".Andon ang ubod ng sagot na hinahanap kong kasagutan na ang sabaw ng niog ang siyang magbibigay ng lakas at sigla para humaba ang buhay.Hindi yong iinum ka ng buong sabaw ng niog  kundi ang pag iinum nito kahit ilang kutsara man lang.Kaya't akin ding pinag aralan ang ilang kutsara at kung ilang taon bago mo makamit ang totoong kasagutan.Nagtagal ng maraming taon saka ko ito inilabas na ang kagandahang dulot ng COCOS CIDER VINEGAR kung paano niya ako inalagaan ng ilang taon na para bang ang bagal ng taon;na mabagal sa pagtanda,marami na akong mga kaibigan noon na pinaiinum ko ng COCOS CIDER VINEGAR ngunit ayaw nila,ngayon 15 taon na lumipas nagsiwalaan na sila.Walang naniwala sa akin noon na kapag uminom ka ng COCOS CIDER VINEGAR ay protektado ka sa anumang uri ng sakit sa pamamagitan ng kaniyang palalakasin ang katawan na panlaban mo sa anumang uri ng sakit.

Habang iniinum ko ang COCOS CIDER VINEGAR ay nagpapahid naman ako sa buo kong katawan para alamin ko kung kaya niyang proteksiyonan din ang aking mga balat; at kuminis din ang aking balat pero andoon pa rin ang pangamba kung gaano magiging kanipis ang aking balat kaya't nagbabasa pa rin ako noon ng mga libro kung anu ang mga cycle ng ating balat.Kaya't taoong 2014 nuong maisipan ko na ring gumawa ng sabon para naman sa mga taong ayaw magpahid ng COCOS CIDER VINEGAR sa kanilang balat bago maligo.Mula noong 2014 walang laktaw na ang gamit kong sabon ay ang COCOCIDER BATH SOAP.Alam naman natin na marami ng uri ng sabon ngunit parepareho lamang ang mga procedures sa paggawa kaya't nereverse ko naman para maiwan ang mga minerals na nasa cocos cider vinegar na mailipat ko sa sabon;na ang kagandahang dulot ng COCOS CIDER VINEGAR ay nasa sabon na rin.


Wednesday, November 15, 2017

Ang kaginhawaang dulot ng COCOCIDER BATH SOAP

Ang uri ng sabon na ito(COCOCIDER BATH SOAP) ay ginawa dahil na rin sa hangaring makagawa ako ng naiibang uri na totoong sabon;na ibig kung sabihin nag aalis ng dumi,mga libag sa ating katawan.Na hindi madaling maubos ,hindi madaling matunaw,nagtatanggal at nakakatulong sa mga maliliit na suliranin na lumilitaw sa ating mga balat Ang higit sa lahat ay gusto kong kakaiba sa lahat,pares na lumulutang na mahirap nating mapag isipan.

Mas lalong mahirap  kung pag aralan ko pa ang mga magagandang dulot ng sabon na aking gagawin na taon kong pag -analisa ang kaakibat na ibibigay habang ito ay aking gagamitin o ginagamit.

Lumipas ang maraming taon habang ito ay aking gamit at kakaiba ang dulot na ligaya na para bang ako ay nanaginip na lamang.Maraming tao na tuwing aking makaharap lagi nilang napapansin ang aking kutis na kakaiba sa lahat,banat na banat na makinis sa linis,pantay na pagkaputi na hindi naman maputi.Maputi habang nasisikatan ng araw.

Pares ng aking naimbentong sabon na COCOCIDER BATH SOAP kasing linaw ang pagkaputi habang ito ay nababasa,lumulutang sa kinis ng balat ang dulot nito habang ako ay nagbibilang ng mga taon.Kasing tipid nito kumpara sa buwanang ineksiyon para magpabanat ng balat.Pati na ang mga kalyo sa palad at paa ko ay naalis na hindi ko nalalaman.

Madaling magkamal ng pera  kung aking ipagbenta ang formula sa iba kaso andoon pa rin ang aking mithiin na sana sa pamamagitan ng aking nagawang sabon ay ang taus pusong pasasalamat at pagtulong sa mga taong naghahanap ng ikakaginhawa ng kanilang pakiramdam at malinis tignan na kakaiba sa lahat.Kahit man lang sa kinis ng iyong balat ay daig mo pa ang mayaman kung bako bako naman ang kanilang balat.
Lahat yan ay iyong makakamit kung amg palagi mong gamit ay ang COCOCIDER BATH SOAP.
Mabibili lamang ito sa Earth Origins Marketplace,Sta Lucia Eastmall o tumawag lamang sa numerong 09437028381.

Saturday, November 4, 2017

Para Sa may UBO:

Iritasyon
ang karaniwan rason kaya tayo napapaubo;nuong hindi ko pa naiimbento ang Cocos Cider Vinegar ay lagi akong nauubo na walang plema na sanhi ng paninigarilyo,kahit anung inumin ko na gamot sa ubo ay walang epekto kaya't lagi akong may dalang kendi.Palala ng palala ang dry cough ko noon at sa dulo ng pagsasalita ko ay biglang pumuputok na may kasamang plema na nakakahiya sa taong makakaharap mo.

Ang napapansin ko lang noon ay lumala din ang skin allergy at dry at malala din ang balakubak ko,dahil nasa abroad ako nuong kapanuhan na iyon ,ang ginagawa ko na lang ay nagpapahid na lang ako ng skin lotion araw araw sa balat at matatapang na shampoo mga gamit ko.

Alam kong pumapayat ako,hindi makakain na parang laging busog.Sa panahon na iyon ay nagiisip na akong may malala na akong sakit,na ang suma total ay baka liver cancer pa.Nagmamadali akong makakuha ng sponsors para sa isang research na hindi ko alam kong papaano uumpisahan basta ang unang adhikain ay palakasin ang immune system ng isang tao sa gagawin kong research.

Sa unang tikim ko ng COCOS CIDER VINEGAR alumpihit ang ubo ko,maluha luha na walang tigil sa kakaubo.Tuwing kumakati lalamunan ko,iinum ako ng cider,hanggang may kasamang plema na ang pag-uubo ko at tuluyang nawala ang mga pag-ubo ko at nawala na rin pangangati ng lalamunan ko ng dahil na rin sa naimbento kong COCOS CIDER VINEGAR.

Mabibili ito sa mga branches ng PUREGOLD,STA.LUCIA EASTMALL,EARTH ORIGINS STORE.

Monday, October 30, 2017

COCOCIDER BATH SOAP




COCOCIDER BATH SOAP:

Ginawa ang sabon na ito dahil nakakasasawa na ang mga maraming kemikals na yari sa ibang sabon,nawala na ang intention na pag naligo ka dapat malinis at presko ang pakiramdam.

Karaniwan na ang mga sabon;alikabok na lang ang natatanggal,naiiwan na sa balat natin ang mga libag,iba't ibang amoy o amoy pawis,pangangati na sanhi ng mga pinaghalong kemikals na nasa ordinaryong sabon at mga kagat ng lamok o insekto na sanhi naman ng pagkakaroon ng irritations.Sanay na rin tayong itim ang bawat sulok ng ating katawan dahil s kalyo na likha na rin ng pag edad at kemikals.Mga ilan lamang sa mga resulta ng mga iba't ibang uri ng sabon.

Kaya't nagawa ko ang sabon na ito ,at naging COCO CIDER BATH SOAP;ang unang adhikain ay makagawa ng isang uri ng sabon upang  maranasan naman natin ang totoong sabon   na hinahanap hanap upang maalis ang dumi at mga libag at maging kaaya aya sa ating pang araw araw nating pamumuhay.

Dahil sa ang sabon na ito ay gawa sa Cocos Cider Vinegar  inaalis o tinatanggal nito ang mga bakteriyang naging sanhi sa pangangamoy ng pawis,pinipigilan at inaalagaan niya ang balat lalo na sa mukha na sanhi ng mga kemikals  gaya ng pangingitim,pekas,o impeksiyon.

Hindi ito ordinaryong sabon na karaniwan niyo lang nakikita sa paligid-ligid.Ang COCO CIDER BATH SOAP ay lumulutang,puti ang kulay,banayad at madulas sa katawan at hindi na kailangan gumamit ng lotion ,konting hydroxide lang ang kemikal na gamit para siya mabuo na sabon,ginamitan ito ng "agronomical approach" upang kapaki pakinabang  para mapalagaan ang balat  at higit sa lahat isang taon siyang pinatuyo at hinayaan lang sa eskaparate para maging pinakamaganda at totoong sabon.

Nagkalat ang mga kemikals na pampaputi na alam nating masama ang dulot sa kinalaunan na hindi lang napapansin ng karamihan na makapal ang libag at maduming tignan sanhi mg kemikals ng mga ito.

Kaya't ang COCO CIDER BATH SOAP ay pwedeng gamitin mula edad limang taon pataas,pinapakinis ang mga balat,pampaputi pero katamtaman lang,at higit sa lahat,nag aalis ito ng mga libag sa buong katawan,at nagpapanipis ng balat .

Mura lamang ang COCOCIDER BATH SOAP,matagal matunaw na umaabot ng labing limang araw sa isang tao.natural at walang amoy,sa unang araw na paggamit,hindi gaanong bumubula tanda na maraming libag o marumi ang gumagamit,banlawan at ulitin ang sistema at doon bubula.

Nasa Earth Origins stores greenhills at alabang  o etex sa 09216713754 para sa mga orders,kahit sa malalayong lugar ay sa pamamagitan ng courriers o bus.

Saturday, October 28, 2017

HIGH BLOOD

HIGH BLOOD:

2002 ng madiagnosed na high blood ako 140/100.Punta sa doctor,nung aktong reresetahan ako,ay tinanong ko kung para saan ang mga iyon,para sa highblood pampakalma lang daw at wala pang gamot ang nagpapagaling ng ganung sakit ng highblood,ngunit sinabi ko na ang hanap ko ay ang gamot para mawala ang sakit ko kaya't hindi kami nagkaintidihan at hindi ko tinanggap yong reseta niya bagkus nag usap na lang kami at tinanong niya  kung ano ang course ko at nabanggit kong isa akong agronomist,sambit na lang niya  na "kaya pala".
Doon nagsimulang mag isip ako kung papaanung mawala ang karamdaman ko kaya't  inumpisahan ko ang umaga't gabing pag-iinum ng Cocos Cider Vinegar baka masulusyonan ang aking karamdaman.

Hindi na ako bumalik sa doctor mula 2002 to 2010.Sa mahabang taon na iyon saka ako ulit nagpa b/p(120/80).

Labing limang taon na ang nakakaraan hanggang ngayon lagi ko ng iniinum ang aking naimbentong COCOS CIDER VINEGAR ng walang pangamba sa pang araw araw kong gawain at ngayon ay mabibili na  ng nakakarami  sa pamilihan ng PUREGOLD outlets sa inyong lugar.

Manufactured by:
THE COCOCIDER,INC.

Friday, October 27, 2017

DETOXIFICATION

Detoxification:
Araw araw naliligo tayo para malinis ang ating katawan,ngunit sa kasamaang palad hindi natin malilinis ang ating pangloob sa ating  katawan,hindi sapat ang pawis,pagdumi at pag-ihi araw araw,meron at meron pa ring naiiwan na kumakapit sa ating mga kalamnan lalo na ang mga mantika o iba pang uri ng ating kinakain na may kaakibat na mantika na talagang kumakapit sa ating mga bituka.

Sa pamamagitan ng pag inum ng Cocos Cider Vinegar. mga ilang araw na pag-iinom ay mapapansin ninyo ang epekto nito,halimbawa;

Yong matagal ng umiinum ng mga tabletas ay kulay itim ang naidudumi o ito yong magiging sanhi ng sakit kapag tayo ay nanghina o tumanda .yong naman  malalaking katawan  ay kulay puti o mga mantikain ,kulay green naman sa mga taong umiinum ng mga dahon dahon o herbal capsules.Matingkad na dilaw naman sa mga taong may problema sa kasukasuan halimbawang mga maga sa mga tuhod o may gout/arthritis,at hindi lamang yan bagkus pati amoy nito ay hindi pang ordinariyo o hindi pangkaraniwan.

Kapag ang taong nakakainom o palagiang nakakainum  ng COCOS CIDER VINEGAR laking ginhawa ang matatamasa sa kanilang kalusugan dahil naglalaman ng limang minerals,antioxidants at enzyme na maganda sa ating katawan basta't palagiang iinom nito.

Ginawa ko ng kasama ko sa buhay ang pag-inum nito dahil ang aking rason ay araw araw naman tayong kumakain kaya't nararapat lamang na mailabas ang mga toxins na hindi kailangan ng aking katawan kaakibat sa bawat pagkaing isinusubo sa ating sikmura.

Paalala lamang na ang COCOS CIDER VINEGAR ay hindi gamot at hindi siya pwedeng ipampalit kung anumang uri ng gamot na inyong iniinum.Ito ay ginawa para palakasin ang ating katawan para magiging pwersa o panlaban sa anumang uri ng sakit na maaaring dadapo sa atin, dahil ang mga minerals na taglay nito ay madalang na makuha sa araw araw ng ating kinakain.

Mabibili ang COCOS CIDER VINEGAR sa mga branches ng PUREGOLD,STA LUCIA EASTMALL,EARTH ORIGINS STORE.Tignan lamang sa labels na manufactured by:THE COCOCIDER,INC.

Tuesday, October 24, 2017

Bato sa bato

Problema sa bato o bato sa bato:

Dahil taga norte ako,mahilig kami ng may sawsawan na may patis o bagoong,kaya't edad 26 pa lang ako noon nagkaroon ako ng problema sa bato,nag umpisa sa U.T.I. at naging kalaunan ay may bato na.
Syempre takbo ako sa doktor at nagpakonsulta,neresetahan naman ako ng mga gamot.Sa unang buwan may lumabas na isang bato.

Hanggang sa nag abroad ako at tuloy tuloy pa rin ang pag inum ko ng gamot na umabot ng sampung taon,hindi nawala ang sakit ko.Akala ko tama na ang nakakabili ng mga gamot ko,hindi ko inintindi ang mga susunod na matamaan kung anu pa ang maapektuhan sa akin,basta ang importante sa akin ay kumita ng pera para makabili ng aking gamot at pamilya.

Hanggang 2002 sinumpong ako ng aking sakit na bato,matinding sakit,hindi ko alam kung dudumi o iihi at namamanhid ang likod ng baewang ko.
Tamang tama na may Cocos Cider Vinegar sa aking tabi at ininum ko kalahati ng isang tea cup at nakatulog ako.Pagkagising ng madaling araw   takot akong umihi baka maramdaman ko na naman ang sakit ngunit sa dulo ng pag ihi ko ay kaunting kirot na lamang.Uminum ulit ako ng ganoong karami kada anim na oras sa loob ng dalawang araw,sa awa ng Dios,kada oras lagi akong naiihi ng marami sa loob ng tatlong araw.Hanggang ngayon hindi na bumalik ang sakit ko sa bato.
Mabibili ang COCOS CIDER VINEGAR sa mga branches ng Puregold,sta lucia east mall at earth origins sa halagang P200 kada bote.

Huwag matigas ang ulo

Marami sa atin ang takot o ayaw magpakonsulta sa doktor,hinihintay pang lumala pa ang mga karamdaman nila at kapag hindi na nila kaya ang hapdi o sakit na kanilang dinaramdam saka sila pupunta.
Meron pa silang style sa pagiinum ng gamot,hahatiin pa ang isang tableta o dili kaya ay ibabaul pa ang reseta kung saan sila kaunting gumaling,hahaloghogin pag sinumpong ulit sa ganoong sakit.Mas magaling pa sila kaysa dalubhasa,hindi po ako doktor ipinapauna ko na.
Magandang palakasin muna ang kalusugan sa pamamagitan ng pagkain na masustansiya para hindi agad madadapuan ng karamdaman.Galaw galaw at paginum ng 10 basong tubig sa isang araw.Magpapawis para lumabas ang toxin n pawis sa atin.Huwag palaging karne,isang beses isang linggo ay pwede na,palaging gulay,isda pampahaba ng buhay.Mainam na almusal ay mga root crops gaya ng kamote,cassava o kamoteng kahoy,gabi pampahaba din ng buhay.walong oras ang pagtulog sa gabi at iwasang matulog sa araw.Huwag palaging mag isip,hayaan niyo nalang lumipas ang araw.Palagiang nakangiti para ang bukas niyo ay nakangiti rin.
Magtanim din ng pangsariling gulay,mas mainam ito kaysa bibili pa sa palengke,mahirap na ang palaging bili ng bili sa palengke,baka pinapaliguan pa ng tawas o iba pa.
Yan lamang ang aking maibabahagi ko sa araw na ito.

Inom inom din ng COCOS CIDER VINEGAR para makatulong na palakasin ang ating katawan.Alam niyo ba na ang COCOS CIDER VINEGAR ay may minerals na madalang o walang makuha sa ibang pagkain na ating kinakain  sa araw araw?gaya ng manganese,magnesium,zinc mga ilan lamang ito sa nakapaloob sa COCOS CIDER VINEGAR.Ito ang mga minerals na malaki ang maitutulong sa mga may edad trenta pataas at mga taong may karamdaman.
Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa Puregold,sta lucia eastmall,earthorigins.
Hanapin lang ang tatak COCOS,manufactured by THE COCOCIDER,INC.

Saturday, October 21, 2017

Malunggay

Sa dinarami rami ng mga herbal na lumalabas sa pamilihan,karaniwan na sa atin ay naguguluhan sa pagpili ng kaniyang iinumin,naglipana na ang mga herbal mapabangketa man o sa palengke,o kaya'y mga nag hahouse to house.
Naranasan ko din ito noong 2002 ng dapuan ako ng high blood.Ang mamahal pa ang mga iba,magaganda din ang mga paliwanag sa mga prospects nila.
Bilang agronomist,napakahirap mabigyang linaw kung papaano nila ito ginawa.
Halimbawa,ang malunggay,ang malunggay ay maganda sa ating katawan kapag ito ay sariwa at ihalo sa ating mga pagkain,ito yong tinatawag na poor man's food.Ngunit kapag idinaan sa ibang proseso halimbawang drying method,nawawala ang mga ibang nutrihena nito,at hindi lang drying dahil dapat hindi mawawala ang dark green nito habang pinatutuyo.Ang sumunod na proseso  ay ang powderization.Ang prosesong ito ay dapat maingat ang gumagawa nito dahil kapag hindi maganda ang pagtutuyo sa dahon ito ay kaakibat ang mga bacteria,molds o yeasts na delikado sa ating katawan.Kaya't di ko pinangarap na gumawa ng ganitong klase dahil madaming isaalang alang,una ay ang kalinisan,kapaligiran ng tinamnan ng halaman,malayo sa pestisidyo o kemikals at higit sa lahat ay ang kaalaman ng gagawa pagdating sa halaman.
Kadalasan  ang mga nakalagay sa labels nila ay noong sariwa pa ang malunggay at hindi doon sa after processing .
Ang mga nutrehina ng mga gulay gulay ay mabilis mawala,naguumpisa sa pagpitas,habang nasisikatan na ng araw o nalalanta na ang isang gulay ay nawawala na ang mga sustansiya ng mga ito,pero hindi naman lahat.Habang dumadaan sa iba't ibang proseso,nawawala na ang mga sustansiyang kailangan ng ating katawan,kadalasan ang naiiwan na lang ay ang fiber.
Ang malunggay kapag inihalo sa monggo,malunggay pa rin pag lumabas pag dumi natin;kapag nakakapsule naman ang malunggay,saan pupunta ang dahon na iyon.Alam niyo ba kung saan pumunta mga ito?nakadikit lang sila sa ating mga bituka at doon magtitipon tipon lamang.
Ang taong umiinom ng malunggay capsule at kapag uminom sila ng COCOS CIDER VINEGAR ay ang magiging dumi nila sa una hanggang tatlong araw ay kulay green.Bakit green?ang ibig sabihin nito ay yong fiber ng dahon na iyon ng dahil powdered siya ay hindi lumabas sa ating katawan bagkus dumikit lamang sa ating bituka.

Ang. mga kaibigan kong diabetiko

Bagama't  hindi ko naranasan ang sakit na diabetes,pero karamihan naman sa malalapit kong mga kaibigan,siguro sa 20 kakilala,lima sa kanila ay may sakit ng ganito.dalawa doon ay umiinom ng COCOS CIDER VINEGAR,sa tatlong taon ng sila'y laging umiinom,sa awa ng Dios malakas sila at parang hindi nila naranasan ang diabetes na ito.Mga edad 63 yong isa,at yong isa naman ay 69 na siguro ang edad niya.
Siyempre kaakibat ng sakit nito ay ang high blood,kaya't  yong dalawang iyon ay nagkaroon din ng pagka highblood,sabay sabay naman na bumababa naman ang kanilang blood sugar pati naman ang kanilang high blood.
Kung hindi naagapan , siguro ang isa doon ay putol na ang paa at yong isa naman ay bulag na sana.Lumakas na ang mga katawan nila at maliksi na silang lumakad,hindi pares noon na parang robot silang maglakad,dahil takot silang masugatan ng dahil sa diabetes.
Ang kagandahan ng pagiinum ng COCOS CIDER VINEGAR ay inaalagaan niya ang ating katawan,at lahat ng  karamdaman ng umiinom nito ay gagawin niyang normal dahil ang COCOS CIDER VINEGAR ay ginawa para palakasin at proteksiyunan ang ating katawan.
Hindi ito gamot,bagkus ito ay tutulong lamang sa ating katawan sa pamamagitan na pupunuan niya ng mga minerals ang ating katawan na kadalasan ay hindi sapat na mga minerals na nakukuha natin sa ating kinakain.Pag napalakas na nya ang katawan na iyon,ang katawan naman natin ang gagamot at tutulong para pahinain ang ating karamdaman hanggang tuluyang mawala ang sakit na iyon.
Ang COCOS CIDER VINEGAR ay mabibili sa mga branches ng PUREGOLD,Sta lucia east mall at Earth Origins,hanapin ninyo lamang ang manufactured by THE COCOCIDER, Inc
.

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...