COCOS CIDER VINEGAR

Sunday, June 2, 2019

Bakit coconut water?

Bakit sabaw ng niog ang pinag aralan kong gawin na eksperimento para sa aking kalusugan....

Una ay pangarap ko ng tumuklas para sa aking karamdaman,ayaw ko ang mga synthetic dahil sa masamang epekto sa kalusugan.Marami mga herbal products ngunit kapag ito ay aking suriin sa proseso ay iba sa orihinal na kapasidad at pagkatapos ng proseso nito.

Kailangan kapag tumuklas ng isang bagay na gawin mong bagong produkto dapat hindi ito maging kakumpetensiya sa orihinal na gamit nito.E ang sabaw ng niog ay walang sagabal at hindi importante s atin dahil karamihan na gamit ito ay itinatapon na lamang at nakakasira sa ating kalikasan,kumukulo at bumabaho ito kapag itatapon lamang sa lupa at nasisira ang bawat madaanan nito kahit na mga konkretong agusan papunta sa ilog.At ang ilog naman nagkakaroon ng pollution at mamamatay ang yaman dagat.Kung baga walang silbi ang sabaw ng niog sa atin sa sirkulo ng food chain natin.

May sekreto ang niog sa ating kalusugan na kapag ito ay matuklasan ay magandang panlaban sa ano pa mang uri ng sakit,ito ay nabasa ko mula sa NUTRITION books,ed.
1965,.

Itinatago na sekreto mula noon circa 1960's at hanggang sa kasalukuyan na panahon ang kagandahan dulot ng sabaw ng niog na kapag ito ay iprenoseso ng tama ay magbibigay ito ng lunas sa ating karamdaman.

Ito na ngayon ang cococider vinegar gawa sa sabaw ng niog,sinubukan at ginamit ko ito sa loob ng labing pitong taon para sa aking kalusugan at hindi ako gumamit ng synthetic drugs sa aking karamdaman.

Pero kapag ito ay himay himayin na ang fountain of youth ay isang klase ng tubig na pangmatagalang kasariwaan,at ang tree of life ay niog na puno ng buhay para humaba ang buhay ngunit nasa tamang proseso at paraan para matamasa ito.

Ng dahil sa coconut water ay nakagawa ako ng maraming produkto na maganda ang dulot sa ating pang araw araw ma gawain pati na rin sa ating kalusugan.




No comments: