Saturday, November 25, 2017

ALAM NIYO BA?

Alam niyo ba na ang COCOS CIDER VINEGAR ay buhay pa hanggang ngayon ang nakaimbento nito?
At kapag inyong makita ng personal ng taong nakagawa nito ay napaka simpleng tao lang siya,walang arte sa katawan.Kasingkinis ng labingwalong taon gulang kung ikumpara sa balat niya.Kasing tikas ng beinte sais anyos ang tindig niya.

At wala siyang ibang gamit na pampersonal kundi ang COCOS CIDER VINEGAR ang lagi niyang iniinom at COCOCIDER SOAP naman ang personal niyang sabon.

Habang nasisikatan siya ng araw ay mamula mula ang kutis ,para bang mga prutas ang lagi niyang kinakain luma pa ang mga kilalang personalidad pag ikumpara ang balat niya.

Wala pa yatang imbentor sa PILIPINAS ang nakagawa ng kapakipakinabang na produkto na nabubuhay sa ngayon na siya ang modelo o yong nakaimbento mismo ang gumagamit at umiinom ng kaniyang naimbento.

Di tulad ng mga ibang brand ng mga produkto na Yong nakaimbento ay wala na yata sa mundo o hindi nakikita sa madla at walang papares ng COCOS CIDER VINEGAR at itong blog na ito ang siyang nagiging parang "diary" para maikalat sa mga taong naghahanap o nalulumbay sa kanilamg karamdaman na naghahanap ng makakatulong upang maibsan man lang ang sakit na ang COCOS CIDER VINEGAR lang ang may magandang dulot sa kanilang kalusugan at kahit na Pilipino ang gumawa nito ay maipagmamalaki natin ang kahalagahan ng aking produkto na nagsasabing totoo at nagpapatotoo kung ano ang naging epekto ito .

Nagmula at nakaranas ako ng mga sakit na katulad ng karamihan at napagaling ako nito,pinag-aralan at inalisa lahat ng anggulo ng COCOS CIDER VINEGAR ng mahigit na labinglimang taon bago isinapubliko ang kahalagahan nito,ang patunay ay ang gumawa mismo na pumuti na ang buhok pero taglay pa rin niya ang tikas at tindig na siyang hanap ng karamihan sa kanilang kalusugan.

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa lahat ng PUREGOLD branches,EARTH ORIGINS STORE at STA LUCIA EASTMALL lamang.

Ang COCOCIDER VINEGAR ay sa EARTH ORIGINS STORES,STA LUCIA EASTMALL at sa Bulacan Skin care product lang o tumawag sa 09437028381



Friday, November 24, 2017

KAMAY/BRASO

Ang pagiinum ng COCOS CIDER VINEGAR umaga't gabi at malaking maitutulong sa pang-araw araw na Gawain. Pinalalakas ka niya at alaga ka buong katawan para labanan na maaaring dumapong sakit .
Ngunit hindi sapat ang araw o buwan ngunit taon ang bubunuin para makamit mo ang mabagal na pagtanda ng iyong mga balat.
Ang picture na nasa baba ay ang aking kamay na tanda ng pagaalaga ng COCOS CIDER VINEGAR sa akin sa loob ng labing limang taon. Hindi kulubot ang mga palad na buhay na buhay sa edad na 58.Nawala din  mga kalyo.
Ito ang aking mga sekreto sa pananatili ng aking kalusugan.

Tandaan tatak COCOS Cider Vinegar ang inyong piliin sa mga branches ng PUREGOLD sa halagang PHP200 lamang.

Thursday, November 23, 2017

BALAKUBAK

Balakubak;

Maraming sanhi ito gaya ng matatapang na shampoo,hindi gaanung paglilinis ng anit habang naliligo,nandiyan din ang pollution sa hangin,excessive intake ng fats at iba pa.
Lumalala ito hanggang sa dako ng noo,leeg na parang may guhit na umaalsa na makati.
Epektibo ang paghahalo ng COCOS CIDER VINEGAR( dalawang kutsara) sa isang batyang tubig.Gawin ito mula umpisa hanggang sa huling buhos ng inyong pagligo,arawaraw.Tanggal ang balakubak at malambot amg buhok.
Mabibili sa lahat ng PUREGOLD branches ang COCOS CIDER VINEGAR sa inyong lugar. Hanapin lamang ang brand na COCOS. 

Wednesday, November 22, 2017

Ang naging epekto.....

Ito ang naging epekto ng labinglimang taon komg pagiinum ng COCOS CIDER VINEGAR sa edad kong 58.
Pagkagising pagkatapos ng paglinis ay inom ako nito ng 2 kutsara at sa gabi naman ay 5kutsara bago matulog arawaraw.
Mabibili lamang ang COCOS CIDER VIMEGAR sa PUREGOLD branches,STA LUCIA EASTMALL,EARTH ORIGINS.

Friday, November 17, 2017

Bakit mas magandang gamitin ang COCOCIDER VINEGAR at COCOCIDER BATH SOAP.

Bakit mas maganda and dulot sa ating kalusugan ang COCOS CIDER VINEGAR at COCOCIDER BATH SOAP;

Alam naman natin na ang sabaw ng niog ang siyang pinakamalinis na tubig sa balat ng lupa,tinagurian din siyang "TREE OF LIFE".Ngunit hindi pa malinaw kung anu ang totoong ibig sabihin sa mga katagang ito na nagkaedad na ako ay nais kong matumbok kung anu ang totoong kahulugan nito.May nabasa akong libro na ang titulo ay "Nutrition Book 1960 edition,nalimutan ko na ang author nito.Nabasa ko ito noong 2005 na sinabi niya dito na noong bago sumiklab ang digmaan ay sekreto ng ingredient ang coconuts sa mga infant milk.Sekreto dahil noon ay may mga phobia pa ang mga tao sa fats na kinapapalooban nito.Na ngayon na lang napagtanto na ang fats na nasa niog ay magandang uri ng fats.
Na ang ibig sabihin na pag laging may kasamang niog ang mga pagkain na idudulog sa hapag kainan ay nalalayo kasa anumang uri ng sakit.
Dahil ang tubig ng niog ay siyang bumuo ng laman nito kaya't doon ko inisip na nasa sabaw nito ang totoong "TREE OF LIFE".Andon ang ubod ng sagot na hinahanap kong kasagutan na ang sabaw ng niog ang siyang magbibigay ng lakas at sigla para humaba ang buhay.Hindi yong iinum ka ng buong sabaw ng niog  kundi ang pag iinum nito kahit ilang kutsara man lang.Kaya't akin ding pinag aralan ang ilang kutsara at kung ilang taon bago mo makamit ang totoong kasagutan.Nagtagal ng maraming taon saka ko ito inilabas na ang kagandahang dulot ng COCOS CIDER VINEGAR kung paano niya ako inalagaan ng ilang taon na para bang ang bagal ng taon;na mabagal sa pagtanda,marami na akong mga kaibigan noon na pinaiinum ko ng COCOS CIDER VINEGAR ngunit ayaw nila,ngayon 15 taon na lumipas nagsiwalaan na sila.Walang naniwala sa akin noon na kapag uminom ka ng COCOS CIDER VINEGAR ay protektado ka sa anumang uri ng sakit sa pamamagitan ng kaniyang palalakasin ang katawan na panlaban mo sa anumang uri ng sakit.

Habang iniinum ko ang COCOS CIDER VINEGAR ay nagpapahid naman ako sa buo kong katawan para alamin ko kung kaya niyang proteksiyonan din ang aking mga balat; at kuminis din ang aking balat pero andoon pa rin ang pangamba kung gaano magiging kanipis ang aking balat kaya't nagbabasa pa rin ako noon ng mga libro kung anu ang mga cycle ng ating balat.Kaya't taoong 2014 nuong maisipan ko na ring gumawa ng sabon para naman sa mga taong ayaw magpahid ng COCOS CIDER VINEGAR sa kanilang balat bago maligo.Mula noong 2014 walang laktaw na ang gamit kong sabon ay ang COCOCIDER BATH SOAP.Alam naman natin na marami ng uri ng sabon ngunit parepareho lamang ang mga procedures sa paggawa kaya't nereverse ko naman para maiwan ang mga minerals na nasa cocos cider vinegar na mailipat ko sa sabon;na ang kagandahang dulot ng COCOS CIDER VINEGAR ay nasa sabon na rin.


Wednesday, November 15, 2017

Ang kaginhawaang dulot ng COCOCIDER BATH SOAP

Ang uri ng sabon na ito(COCOCIDER BATH SOAP) ay ginawa dahil na rin sa hangaring makagawa ako ng naiibang uri na totoong sabon;na ibig kung sabihin nag aalis ng dumi,mga libag sa ating katawan.Na hindi madaling maubos ,hindi madaling matunaw,nagtatanggal at nakakatulong sa mga maliliit na suliranin na lumilitaw sa ating mga balat Ang higit sa lahat ay gusto kong kakaiba sa lahat,pares na lumulutang na mahirap nating mapag isipan.

Mas lalong mahirap  kung pag aralan ko pa ang mga magagandang dulot ng sabon na aking gagawin na taon kong pag -analisa ang kaakibat na ibibigay habang ito ay aking gagamitin o ginagamit.

Lumipas ang maraming taon habang ito ay aking gamit at kakaiba ang dulot na ligaya na para bang ako ay nanaginip na lamang.Maraming tao na tuwing aking makaharap lagi nilang napapansin ang aking kutis na kakaiba sa lahat,banat na banat na makinis sa linis,pantay na pagkaputi na hindi naman maputi.Maputi habang nasisikatan ng araw.

Pares ng aking naimbentong sabon na COCOCIDER BATH SOAP kasing linaw ang pagkaputi habang ito ay nababasa,lumulutang sa kinis ng balat ang dulot nito habang ako ay nagbibilang ng mga taon.Kasing tipid nito kumpara sa buwanang ineksiyon para magpabanat ng balat.Pati na ang mga kalyo sa palad at paa ko ay naalis na hindi ko nalalaman.

Madaling magkamal ng pera  kung aking ipagbenta ang formula sa iba kaso andoon pa rin ang aking mithiin na sana sa pamamagitan ng aking nagawang sabon ay ang taus pusong pasasalamat at pagtulong sa mga taong naghahanap ng ikakaginhawa ng kanilang pakiramdam at malinis tignan na kakaiba sa lahat.Kahit man lang sa kinis ng iyong balat ay daig mo pa ang mayaman kung bako bako naman ang kanilang balat.
Lahat yan ay iyong makakamit kung amg palagi mong gamit ay ang COCOCIDER BATH SOAP.
Mabibili lamang ito sa Earth Origins Marketplace,Sta Lucia Eastmall o tumawag lamang sa numerong 09437028381.

Saturday, November 4, 2017

Para Sa may UBO:

Iritasyon
ang karaniwan rason kaya tayo napapaubo;nuong hindi ko pa naiimbento ang Cocos Cider Vinegar ay lagi akong nauubo na walang plema na sanhi ng paninigarilyo,kahit anung inumin ko na gamot sa ubo ay walang epekto kaya't lagi akong may dalang kendi.Palala ng palala ang dry cough ko noon at sa dulo ng pagsasalita ko ay biglang pumuputok na may kasamang plema na nakakahiya sa taong makakaharap mo.

Ang napapansin ko lang noon ay lumala din ang skin allergy at dry at malala din ang balakubak ko,dahil nasa abroad ako nuong kapanuhan na iyon ,ang ginagawa ko na lang ay nagpapahid na lang ako ng skin lotion araw araw sa balat at matatapang na shampoo mga gamit ko.

Alam kong pumapayat ako,hindi makakain na parang laging busog.Sa panahon na iyon ay nagiisip na akong may malala na akong sakit,na ang suma total ay baka liver cancer pa.Nagmamadali akong makakuha ng sponsors para sa isang research na hindi ko alam kong papaano uumpisahan basta ang unang adhikain ay palakasin ang immune system ng isang tao sa gagawin kong research.

Sa unang tikim ko ng COCOS CIDER VINEGAR alumpihit ang ubo ko,maluha luha na walang tigil sa kakaubo.Tuwing kumakati lalamunan ko,iinum ako ng cider,hanggang may kasamang plema na ang pag-uubo ko at tuluyang nawala ang mga pag-ubo ko at nawala na rin pangangati ng lalamunan ko ng dahil na rin sa naimbento kong COCOS CIDER VINEGAR.

Mabibili ito sa mga branches ng PUREGOLD,STA.LUCIA EASTMALL,EARTH ORIGINS STORE.

Monday, October 30, 2017

COCOCIDER BATH SOAP




COCOCIDER BATH SOAP:

Ginawa ang sabon na ito dahil nakakasasawa na ang mga maraming kemikals na yari sa ibang sabon,nawala na ang intention na pag naligo ka dapat malinis at presko ang pakiramdam.

Karaniwan na ang mga sabon;alikabok na lang ang natatanggal,naiiwan na sa balat natin ang mga libag,iba't ibang amoy o amoy pawis,pangangati na sanhi ng mga pinaghalong kemikals na nasa ordinaryong sabon at mga kagat ng lamok o insekto na sanhi naman ng pagkakaroon ng irritations.Sanay na rin tayong itim ang bawat sulok ng ating katawan dahil s kalyo na likha na rin ng pag edad at kemikals.Mga ilan lamang sa mga resulta ng mga iba't ibang uri ng sabon.

Kaya't nagawa ko ang sabon na ito ,at naging COCO CIDER BATH SOAP;ang unang adhikain ay makagawa ng isang uri ng sabon upang  maranasan naman natin ang totoong sabon   na hinahanap hanap upang maalis ang dumi at mga libag at maging kaaya aya sa ating pang araw araw nating pamumuhay.

Dahil sa ang sabon na ito ay gawa sa Cocos Cider Vinegar  inaalis o tinatanggal nito ang mga bakteriyang naging sanhi sa pangangamoy ng pawis,pinipigilan at inaalagaan niya ang balat lalo na sa mukha na sanhi ng mga kemikals  gaya ng pangingitim,pekas,o impeksiyon.

Hindi ito ordinaryong sabon na karaniwan niyo lang nakikita sa paligid-ligid.Ang COCO CIDER BATH SOAP ay lumulutang,puti ang kulay,banayad at madulas sa katawan at hindi na kailangan gumamit ng lotion ,konting hydroxide lang ang kemikal na gamit para siya mabuo na sabon,ginamitan ito ng "agronomical approach" upang kapaki pakinabang  para mapalagaan ang balat  at higit sa lahat isang taon siyang pinatuyo at hinayaan lang sa eskaparate para maging pinakamaganda at totoong sabon.

Nagkalat ang mga kemikals na pampaputi na alam nating masama ang dulot sa kinalaunan na hindi lang napapansin ng karamihan na makapal ang libag at maduming tignan sanhi mg kemikals ng mga ito.

Kaya't ang COCO CIDER BATH SOAP ay pwedeng gamitin mula edad limang taon pataas,pinapakinis ang mga balat,pampaputi pero katamtaman lang,at higit sa lahat,nag aalis ito ng mga libag sa buong katawan,at nagpapanipis ng balat .

Mura lamang ang COCOCIDER BATH SOAP,matagal matunaw na umaabot ng labing limang araw sa isang tao.natural at walang amoy,sa unang araw na paggamit,hindi gaanong bumubula tanda na maraming libag o marumi ang gumagamit,banlawan at ulitin ang sistema at doon bubula.

Nasa Earth Origins stores greenhills at alabang  o etex sa 09216713754 para sa mga orders,kahit sa malalayong lugar ay sa pamamagitan ng courriers o bus.

Saturday, October 28, 2017

HIGH BLOOD

HIGH BLOOD:

2002 ng madiagnosed na high blood ako 140/100.Punta sa doctor,nung aktong reresetahan ako,ay tinanong ko kung para saan ang mga iyon,para sa highblood pampakalma lang daw at wala pang gamot ang nagpapagaling ng ganung sakit ng highblood,ngunit sinabi ko na ang hanap ko ay ang gamot para mawala ang sakit ko kaya't hindi kami nagkaintidihan at hindi ko tinanggap yong reseta niya bagkus nag usap na lang kami at tinanong niya  kung ano ang course ko at nabanggit kong isa akong agronomist,sambit na lang niya  na "kaya pala".
Doon nagsimulang mag isip ako kung papaanung mawala ang karamdaman ko kaya't  inumpisahan ko ang umaga't gabing pag-iinum ng Cocos Cider Vinegar baka masulusyonan ang aking karamdaman.

Hindi na ako bumalik sa doctor mula 2002 to 2010.Sa mahabang taon na iyon saka ako ulit nagpa b/p(120/80).

Labing limang taon na ang nakakaraan hanggang ngayon lagi ko ng iniinum ang aking naimbentong COCOS CIDER VINEGAR ng walang pangamba sa pang araw araw kong gawain at ngayon ay mabibili na  ng nakakarami  sa pamilihan ng PUREGOLD outlets sa inyong lugar.

Manufactured by:
THE COCOCIDER,INC.

Friday, October 27, 2017

DETOXIFICATION

Detoxification:
Araw araw naliligo tayo para malinis ang ating katawan,ngunit sa kasamaang palad hindi natin malilinis ang ating pangloob sa ating  katawan,hindi sapat ang pawis,pagdumi at pag-ihi araw araw,meron at meron pa ring naiiwan na kumakapit sa ating mga kalamnan lalo na ang mga mantika o iba pang uri ng ating kinakain na may kaakibat na mantika na talagang kumakapit sa ating mga bituka.

Sa pamamagitan ng pag inum ng Cocos Cider Vinegar. mga ilang araw na pag-iinom ay mapapansin ninyo ang epekto nito,halimbawa;

Yong matagal ng umiinum ng mga tabletas ay kulay itim ang naidudumi o ito yong magiging sanhi ng sakit kapag tayo ay nanghina o tumanda .yong naman  malalaking katawan  ay kulay puti o mga mantikain ,kulay green naman sa mga taong umiinum ng mga dahon dahon o herbal capsules.Matingkad na dilaw naman sa mga taong may problema sa kasukasuan halimbawang mga maga sa mga tuhod o may gout/arthritis,at hindi lamang yan bagkus pati amoy nito ay hindi pang ordinariyo o hindi pangkaraniwan.

Kapag ang taong nakakainom o palagiang nakakainum  ng COCOS CIDER VINEGAR laking ginhawa ang matatamasa sa kanilang kalusugan dahil naglalaman ng limang minerals,antioxidants at enzyme na maganda sa ating katawan basta't palagiang iinom nito.

Ginawa ko ng kasama ko sa buhay ang pag-inum nito dahil ang aking rason ay araw araw naman tayong kumakain kaya't nararapat lamang na mailabas ang mga toxins na hindi kailangan ng aking katawan kaakibat sa bawat pagkaing isinusubo sa ating sikmura.

Paalala lamang na ang COCOS CIDER VINEGAR ay hindi gamot at hindi siya pwedeng ipampalit kung anumang uri ng gamot na inyong iniinum.Ito ay ginawa para palakasin ang ating katawan para magiging pwersa o panlaban sa anumang uri ng sakit na maaaring dadapo sa atin, dahil ang mga minerals na taglay nito ay madalang na makuha sa araw araw ng ating kinakain.

Mabibili ang COCOS CIDER VINEGAR sa mga branches ng PUREGOLD,STA LUCIA EASTMALL,EARTH ORIGINS STORE.Tignan lamang sa labels na manufactured by:THE COCOCIDER,INC.

Tuesday, October 24, 2017

Bato sa bato

Problema sa bato o bato sa bato:

Dahil taga norte ako,mahilig kami ng may sawsawan na may patis o bagoong,kaya't edad 26 pa lang ako noon nagkaroon ako ng problema sa bato,nag umpisa sa U.T.I. at naging kalaunan ay may bato na.
Syempre takbo ako sa doktor at nagpakonsulta,neresetahan naman ako ng mga gamot.Sa unang buwan may lumabas na isang bato.

Hanggang sa nag abroad ako at tuloy tuloy pa rin ang pag inum ko ng gamot na umabot ng sampung taon,hindi nawala ang sakit ko.Akala ko tama na ang nakakabili ng mga gamot ko,hindi ko inintindi ang mga susunod na matamaan kung anu pa ang maapektuhan sa akin,basta ang importante sa akin ay kumita ng pera para makabili ng aking gamot at pamilya.

Hanggang 2002 sinumpong ako ng aking sakit na bato,matinding sakit,hindi ko alam kung dudumi o iihi at namamanhid ang likod ng baewang ko.
Tamang tama na may Cocos Cider Vinegar sa aking tabi at ininum ko kalahati ng isang tea cup at nakatulog ako.Pagkagising ng madaling araw   takot akong umihi baka maramdaman ko na naman ang sakit ngunit sa dulo ng pag ihi ko ay kaunting kirot na lamang.Uminum ulit ako ng ganoong karami kada anim na oras sa loob ng dalawang araw,sa awa ng Dios,kada oras lagi akong naiihi ng marami sa loob ng tatlong araw.Hanggang ngayon hindi na bumalik ang sakit ko sa bato.
Mabibili ang COCOS CIDER VINEGAR sa mga branches ng Puregold,sta lucia east mall at earth origins sa halagang P200 kada bote.

Huwag matigas ang ulo

Marami sa atin ang takot o ayaw magpakonsulta sa doktor,hinihintay pang lumala pa ang mga karamdaman nila at kapag hindi na nila kaya ang hapdi o sakit na kanilang dinaramdam saka sila pupunta.
Meron pa silang style sa pagiinum ng gamot,hahatiin pa ang isang tableta o dili kaya ay ibabaul pa ang reseta kung saan sila kaunting gumaling,hahaloghogin pag sinumpong ulit sa ganoong sakit.Mas magaling pa sila kaysa dalubhasa,hindi po ako doktor ipinapauna ko na.
Magandang palakasin muna ang kalusugan sa pamamagitan ng pagkain na masustansiya para hindi agad madadapuan ng karamdaman.Galaw galaw at paginum ng 10 basong tubig sa isang araw.Magpapawis para lumabas ang toxin n pawis sa atin.Huwag palaging karne,isang beses isang linggo ay pwede na,palaging gulay,isda pampahaba ng buhay.Mainam na almusal ay mga root crops gaya ng kamote,cassava o kamoteng kahoy,gabi pampahaba din ng buhay.walong oras ang pagtulog sa gabi at iwasang matulog sa araw.Huwag palaging mag isip,hayaan niyo nalang lumipas ang araw.Palagiang nakangiti para ang bukas niyo ay nakangiti rin.
Magtanim din ng pangsariling gulay,mas mainam ito kaysa bibili pa sa palengke,mahirap na ang palaging bili ng bili sa palengke,baka pinapaliguan pa ng tawas o iba pa.
Yan lamang ang aking maibabahagi ko sa araw na ito.

Inom inom din ng COCOS CIDER VINEGAR para makatulong na palakasin ang ating katawan.Alam niyo ba na ang COCOS CIDER VINEGAR ay may minerals na madalang o walang makuha sa ibang pagkain na ating kinakain  sa araw araw?gaya ng manganese,magnesium,zinc mga ilan lamang ito sa nakapaloob sa COCOS CIDER VINEGAR.Ito ang mga minerals na malaki ang maitutulong sa mga may edad trenta pataas at mga taong may karamdaman.
Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa Puregold,sta lucia eastmall,earthorigins.
Hanapin lang ang tatak COCOS,manufactured by THE COCOCIDER,INC.

Saturday, October 21, 2017

Malunggay

Sa dinarami rami ng mga herbal na lumalabas sa pamilihan,karaniwan na sa atin ay naguguluhan sa pagpili ng kaniyang iinumin,naglipana na ang mga herbal mapabangketa man o sa palengke,o kaya'y mga nag hahouse to house.
Naranasan ko din ito noong 2002 ng dapuan ako ng high blood.Ang mamahal pa ang mga iba,magaganda din ang mga paliwanag sa mga prospects nila.
Bilang agronomist,napakahirap mabigyang linaw kung papaano nila ito ginawa.
Halimbawa,ang malunggay,ang malunggay ay maganda sa ating katawan kapag ito ay sariwa at ihalo sa ating mga pagkain,ito yong tinatawag na poor man's food.Ngunit kapag idinaan sa ibang proseso halimbawang drying method,nawawala ang mga ibang nutrihena nito,at hindi lang drying dahil dapat hindi mawawala ang dark green nito habang pinatutuyo.Ang sumunod na proseso  ay ang powderization.Ang prosesong ito ay dapat maingat ang gumagawa nito dahil kapag hindi maganda ang pagtutuyo sa dahon ito ay kaakibat ang mga bacteria,molds o yeasts na delikado sa ating katawan.Kaya't di ko pinangarap na gumawa ng ganitong klase dahil madaming isaalang alang,una ay ang kalinisan,kapaligiran ng tinamnan ng halaman,malayo sa pestisidyo o kemikals at higit sa lahat ay ang kaalaman ng gagawa pagdating sa halaman.
Kadalasan  ang mga nakalagay sa labels nila ay noong sariwa pa ang malunggay at hindi doon sa after processing .
Ang mga nutrehina ng mga gulay gulay ay mabilis mawala,naguumpisa sa pagpitas,habang nasisikatan na ng araw o nalalanta na ang isang gulay ay nawawala na ang mga sustansiya ng mga ito,pero hindi naman lahat.Habang dumadaan sa iba't ibang proseso,nawawala na ang mga sustansiyang kailangan ng ating katawan,kadalasan ang naiiwan na lang ay ang fiber.
Ang malunggay kapag inihalo sa monggo,malunggay pa rin pag lumabas pag dumi natin;kapag nakakapsule naman ang malunggay,saan pupunta ang dahon na iyon.Alam niyo ba kung saan pumunta mga ito?nakadikit lang sila sa ating mga bituka at doon magtitipon tipon lamang.
Ang taong umiinom ng malunggay capsule at kapag uminom sila ng COCOS CIDER VINEGAR ay ang magiging dumi nila sa una hanggang tatlong araw ay kulay green.Bakit green?ang ibig sabihin nito ay yong fiber ng dahon na iyon ng dahil powdered siya ay hindi lumabas sa ating katawan bagkus dumikit lamang sa ating bituka.

Ang. mga kaibigan kong diabetiko

Bagama't  hindi ko naranasan ang sakit na diabetes,pero karamihan naman sa malalapit kong mga kaibigan,siguro sa 20 kakilala,lima sa kanila ay may sakit ng ganito.dalawa doon ay umiinom ng COCOS CIDER VINEGAR,sa tatlong taon ng sila'y laging umiinom,sa awa ng Dios malakas sila at parang hindi nila naranasan ang diabetes na ito.Mga edad 63 yong isa,at yong isa naman ay 69 na siguro ang edad niya.
Siyempre kaakibat ng sakit nito ay ang high blood,kaya't  yong dalawang iyon ay nagkaroon din ng pagka highblood,sabay sabay naman na bumababa naman ang kanilang blood sugar pati naman ang kanilang high blood.
Kung hindi naagapan , siguro ang isa doon ay putol na ang paa at yong isa naman ay bulag na sana.Lumakas na ang mga katawan nila at maliksi na silang lumakad,hindi pares noon na parang robot silang maglakad,dahil takot silang masugatan ng dahil sa diabetes.
Ang kagandahan ng pagiinum ng COCOS CIDER VINEGAR ay inaalagaan niya ang ating katawan,at lahat ng  karamdaman ng umiinom nito ay gagawin niyang normal dahil ang COCOS CIDER VINEGAR ay ginawa para palakasin at proteksiyunan ang ating katawan.
Hindi ito gamot,bagkus ito ay tutulong lamang sa ating katawan sa pamamagitan na pupunuan niya ng mga minerals ang ating katawan na kadalasan ay hindi sapat na mga minerals na nakukuha natin sa ating kinakain.Pag napalakas na nya ang katawan na iyon,ang katawan naman natin ang gagamot at tutulong para pahinain ang ating karamdaman hanggang tuluyang mawala ang sakit na iyon.
Ang COCOS CIDER VINEGAR ay mabibili sa mga branches ng PUREGOLD,Sta lucia east mall at Earth Origins,hanapin ninyo lamang ang manufactured by THE COCOCIDER, Inc
.

Saturday, October 14, 2017

COCOCIDER VINEGAR

Ang pananaliksik ay napakahirap na gawain kung ang mithiin ay ang kapakanan ng mamamayan at napakadali naman kung sariling interest o ang pagkakamal ng salapi lamang. Ngunit bilang agronomist ay ang unang namumutawi ay ang seguridad sa pagkain ng bawat mamamayan para makain ng malusog at masaganang pagkain sa hapag kainan.

Kaya't madaming pimagdaanan bago makarating ang COCOS CIDER VINEGAR sa pamilihan,andiyan ang pang aalipusta sa nananaliksik para hindi ituloy ang pananaliksik,madami ang nagsasabing "hayaan na lang" at pabayaan,isipin ang pansariling interest na lang.

Ngunit sa tigas siguro ng aking ulo at prinsipyo,kahit man lang isang produktong nakawagayway na totoo para makatulong man lang ay ninanais kong gampanan para maibsan ang konting lungkot ng mga taong nagnanais mapagaan ang kanilang kalooban.

Napakasimpleng produkto habang nakalagay sa eskaparate ng pamilihan ngunit napakalaking katuwaan ang dulot kapag ito ay inyong ninanamnam habang dumadaloy sa inyong kalamnan.

Ang COCOS CIDER VINEGAR ay matatagpuan sa mga PUREGOLD branches sa buong Pilipinas.

Friday, October 13, 2017

Ang kaibigan kong may malalang karamdaman

Sa dami dami kong pinaghirapan na pagsubok habang binibigyan ko ng kaliwanagan kung bakit at kung papaano nakakatulong ang COCOS CIDER VINEGAR sa aking kalusugan,iisa lang ang namutawi sa akin kundi ang makatulong sa kapwa. Masaya na rin dahil hindi ako sumuko sa mga pagsubok bagkus iyon pa ang ginamit ko para magpatuloy sa iisang adhikain na mabawasan ko man lang ang paghihirap ng iba sa kanilang dinaramdam.

Naaalala ko pa ang isang pasyente na malungkot habang kinakausap ako sa asawa niyang may dinaramdam.Mataas ang kinalaman ng taong iyon pagdating sa pangkalusugan ngunit dinapuan din siya ng malalang karamdaman.Naghihirap kapwa ang kanilang kalooban sa kaniyang dinaramdam ngunit akin silang pinaunlakan na tutulungan ko siya para mapabilis na gumaling ang pangangapal ng obaryo ng kaniyang asawa.
Mahirap ng pagsubok para sa akin dahil siya pa lang ang una kong pasyente na kaibigan ko pa.
Ipinakwento ko sa babae kung paano nag umpisa ang kaniyang sakit.At sinabi niyang nagumpisa sa dysmenorrhia,ipinagwalang bahala lang niya hanggang dumating ang maraming taon,pangangapal na ng matris at kada anim na buwan,nagpapaturok na lang para hindi na siya reglahin sa loob ng anim na buwan.Hanggang kailangan na siyang operahin agad at tanggalin ang kaniyang matris ngunit wala na silang pera,naisangla na lahat ng mga alahas nila,baon na rin sila sa mga salary loans ng mag-asawa,ngunit mas lalo daw lumalala,lomolobo ang kaniyang tiyan na sabi ay blotted siya.

COCOS CIDER VINEGAR at VIRGIN COCONUT OIL araw araw ang ipinaiinum ko sa kaniya na umabot ng isang taon.Ayon,saka kami nagkita pagkatapos mahigit ng isang taon at negative na raw siya.Hindi ko siya pwedeng banggitin ang kaniyang pangalan dahil sa may iniingatan siyang propesiyon sa hanapbuhay.Masaya na rin ako dahil sa maliit kong kaalaman ay nakapagpasaya ako ng buong mag-anak.


Ang kakilala kong may DIABETES

Madami na akong topic sa diabetes dito sa aking blog pero ang aking isusulat ngayon ay tungkol sa isang kamaganak na nagkaroon ng diabetes nuong 1997 habang kami ay nasa middle east,napauwi siya ng dahil sa sakit niyang ito kaakibat ng kanyang pagkaroon mg high blood.

Habang nereresearch ko ang CIDER na ito nuong 2008,inaalok ko siyang uminom,at dahil sa kapipilit pinagbigyan akong uminom nito,isang kutsara,maya maya naidlip na siya,siguro sa pagod ng kaniyang byahe mula probinsiya pamanila.

Sabi sa akin tuwing aking tinatanong kung iniinom nya madalas ang cider ang sabi niya ay dalawang beses kada linggo lang dahil nanghihina daw siya pag iniinom nya ito.Lumipas ang limang taon,ng muli kaming nagkita at agad niyang tinanong kung may dala akong cider pero ang  sabi ko ay wala dahil hindi naman madalas kung uminom siya.

Kinausap ako at sinabi niya ang totoo,dahil na yata sa nahihiya siya, kasama namin ang kaniyang asawa harap harapan at ipinagtapat sa aking ang buod ng kwento sa cider.

Ang bungad sa akin ay tuwing nainom ang kamaganak ko ng cider na gawa ko ay napapansin niya na mabagal ang pagtaas ng kaniyang blood sugar kaso daw nanghihina siya kaya't hindi niya maituloy ang pagiinom niya.Nahihiya daw siya sa akin dahil sa tagal ng panahon ay isinekreto niya ang totoong nagaganap o resulta ng kaniyang  iniinum na cider.

Nagulat ako at masaya sa ipinagtapat niyang iyon dahil sa dami dami ng naging pasyente na ang sakit ay diabetes iisa ang aking napatunayan,na tumpak ako sa aking ginawa na ipagpatuloy ang aking pinaghirapan na ang COCOS CIDER VINEGAR an nakakatulong sa mga taong naghahanap ng kalutasan ng kanilang karamdaman.

Nabibili na ang COCOS CIDER sa mga branches ng PUREGOLD,STA LUCIA EAST MALL,EARTH ORIGINS sa halagang abot kaya ng nakakarami.

Tuesday, October 10, 2017

Mataas na presyon ng dugo

Ang mataas na presyon ng dugo ay sanhi ng malapot kasama na rin sa kakulangan ng hangin nito.Ang puso naman ay siyang tagapagbomba ng dugo para makarating sa bawat parte ng ating katawan,at kung mataas ang presyon ng dugo ay ibig sabihin nito ay may ibang parte ng daluyan nito ay may pagtigas o paninigas na magiging pagputok ng ugat at sanhi ng atake o stroke.

Upang maiwasan ang pagtaas ng presyon ng dugo,kailangan mapalabnaw agad agad at para magkaroon ng hangin ang bawat pagitan ang ating dugo.

Wala pang lunas ang pagwala ng mataas na presyon ng dugo kundi pagampat o mahadlangan para hindi atakehin ang isang pasyente.Pangmatagalan o panghabambuhay na gamutan,na habang katagalan ay ang pag iinum mga gamot na ito ay may ibang parte naman ng ating katawan ang napapahamak o naaapektuhan na hanggang kalaunan ay ibat ibang sakit na ang ating nararamdaman.

Ang ginawa ko nuong malaman kong may mataas na presyon ng dugo ko ay palagian na akong umiinum ng COCOS CIDER VINEGAR,na noon ay hindi pa siya sa ganung brand,umaga at gabi,dahil yong pagkaasim nito ang siyang nagpapalabnaw,at yong mga menirals na gaya ng iron,manganese,magnesium nito ang siyang tumutulong para sa magandang sirkulasyon ng dugo.Mahigit isa't kalahating dekada na ang nakakalipas mula noon at ngayon na wala akong naiinum na gamot medisina at maganda ang aking blood pressure na 120/80 .

Nasa lahat na ng PUREGOLD branches na malapit sa inyong lugar ang COCOS CIDER VINEGAR.

Monday, October 9, 2017

Makakatulong sa inyong karamdaman

Lahat tayo nag iingat para sa ating kalusugan,nagiging pihikan na rin tayo sa bawat pagkaing ating isinusubo,ngunit hindi natin napipigilan mga sakit na dumadapo sa ating sarili dahil na rin sa paghina ng ating katawan na dulot ng pagtanda at iba pa.
Nag umpisa ang pagaaral ko sa produktong ito nuong edad kwarentay dos pa lamang ako dahil pakiramdam ko humihina na ang aking katawan dahil din sa mga sakit na dumapo sa akin na ang sabi nila gawa ito ng pagtanda ko,at ang sabi wala ng ibang paraan kundi uminum ng mga kapsula at tabletas para daw mapigilan ang aking paghina.Reresitahan sana ako ng tatlong klaseng gamot at ako ay nagtanong kung bakit mga ganung gamot at para saan mga gamot mga yon,at ako naman nila'y sinagot,,pang papigil o pang ampat lamang dahil walang gamot ang maaring magpagaling ng aking karamdaman na high blood.
Ako'y tumanggi sa resetang yon bagkus ang manggagamot ang nagtanung sa akin kung ano daw ang aking natapos na kurso,sinagot ko siya na ako ay isang Agronomist,ang sagot sa akin ay alam ko daw kung anung klaseng gamoot ang magpapagaling sa akimg mga karamdaman,gaya ng rayuma,bato sa bato,high blood,skin allergy,dry cough,pagbaba ng timbang,pangangati ng taenga,baradong ilong na matagal ko ng karamdaman,sa mga ito ay nawala ang aking pag alala at pangamba at tuluyang nawala lahat ang aking karamdaman. Mga ilan lamang aking sakit na dumapo sa akin sa haba haba ng mga paginum ko mga neresetang gamot.
Kaya't nuong ako ay inalok na pagaralan ko ang pagrereleased ng mga toxins na nagiging sanhi ng mga sakit kapag tayo ay nanghina na ay aking tinanggap agad.Mula sa ibang bansa,akoy bumalik sa Pilipinas para pagaralan at makagawa ako ng isang uri ng iniinum na magpapalabas ng mga lason na kaakibat ng ating mga kinakain at umabot ito ng labing dalawang taon bago ko nailunsad ito sa mga pamilihan.
Maaabot nyo na ang COCOS CIDER VINEGAR sa ibat ibang mga branches ng PIREGOLD,Sta lucia east mall,Earth origins para mara makatulong sa inyong kaginhawaan sa inyong karamdaman.

Wednesday, October 4, 2017

Ang tamang pangangalaga ng LUPA

Ang lupa ay nangangailangan din ng tamang pangangalaga tulad din ng pangangalaga sa mga halaman.Kapag palagi kang nag aabono sa iyong pananim na walang pakundangan ay nagiging acidic o pangangasim na ikasasama ng lupa at pati ang halaman na ang magtatamasa naman ay tao sa pamamagitan ng naani ng mga halaman na ito.

Paano malalaman na ang iyong lupang iyong pagtatamnan ay tama sa nutrihinang kailangan ng iyong halaman;

Una ay magpa analisa sa pinakamalapit na agricultural office sa inyong lugar,dito tuturuan kayo kung papaano makakuha ng samples ng inyong lupa para maeksamin kung ilang porsyentong NPK ang nilalaman ng inyong lupang pagtatamnan o kaya'y para makasiguro kayo lagyan nyo ng compost o mga tuyong dumi ng hayop.Kailangan ay mga bulok na.

Kapag may tanim na kailangan malusog at walang paninilaw ang mga dahon nito ang inyong mga halaman at walang senyales ng anumang uri ng sakit.
Tandaan na ang malusog na lupa ay nagbibigay ng magandang ani na kapakipakinabang naman sa atin.

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...