Saturday, January 23, 2016

RESULTS from COCOCIDER VINEGAR


Finnier skin to a person ages 56 years old because of his invented products from coconut;as an agronomist,he applies his knowledge in study and research to show to us the results after 13 years of apllications to his self.


Our skin is the mirror of one's health;and check also the water as a result of perpiration on his back  after workouts.


Looking to become young and healthy is now already discovered.


Pictures are all originals of the owner on this blog and as a result of monitoring purposes resulted to the products(COCOCIDER VINEGAR  and COCOCIDER BATH SOAP).


Products are now displayed at selected PUREGOLD outlets in Metro Manila only.

Wednesday, January 20, 2016

Believe it or not.......see the results...

Pictures you have seen are same person.See the improvements and are becoming younger and finnier skin for years past at the age of 56 years old.This are base on the actual pictures  of the inventor who first intake the COCOS CIDER VINEGAR on his health for continuous intake and daily used of his product for 13 years for you to distinguished the goodness of his product to one's health.

You can now buy the product at selected branches of PUREGOLD  in Metro Manila .

                                                 

                                               

                                         

                                       




Tuesday, January 12, 2016

Push ups and others of 56 years old ......


Every other day workout in the house  to checked the loosen joints and stamina of a 56 years old started last 2014 until now.See the videos what steps of routine was made.It is not an easy job for a human being at the age of later part to have a routine like this,but to assure the public the goodness of what given to us in a disciplinary and  have healthy diet  to achieved together with COCOS CIDER VINEGAR for daily intake without synthetics.I consider myself gifted  to achieved like this from this generation.






Actual effect for 13 years inside and out of the invented product..COCOS CIDER VINEGAR



The subject matter for the trials of the product is the INVENTOR itself to make sure that the product will be satisfactory healthy,and besides it came from coconut water and process in agronomical procedures to ensure the effectivity of one's health inside and outside of the body for 13 years up to the rest of his life.

Thursday, January 7, 2016

Routinely workout.

Routinely workout at the corner of the house started last year for stamina and strength which unusual to a person with the age of 56 .

See the actual result....

Picture taken a month  ago (Dec 2015)for you to check the back body of a 56 years old.See the finnier skin of daily intake of the product Cocos Cider Vinegar.

You can now buy the product at selected  PUREGOLD  branches in Metro Manila,and STA LUCIA EAST MALL(new building),Marikina City.




.

Monday, December 28, 2015

DIABETES .....Do you have this????

See the scanned laboratory results for continuous intake of COCOS CIDER VINEGAR for 8 months..His dosage 30ml morning and 30ml evening everyday...

COCOS CIDER VINEGAR is here to take care of  you....



Thursday, November 26, 2015

Where you can find COCOCIDER VINEGAR

1.PUREGOLD PRICE CLUB = ALABANG

2.PUREGOLD PRICE CLUB = MINDANAO AVE.

3.PUREGOLD PRICE CLUB = TAGUIG

4.PUREGOLD JR = PIONEER

5.PPCI - TERRACES =FAIRVIEW

6.PUREGOLD JR  = ZAPOTE

7.COMPANY E = PHILAM

8.PUREGOLD  FTI TAGUIG

9.PUREGOLD JR. BF HOMES PARANAQUE

10.PUREGOLD  QI CENTRAL

11.PUREGOLD JR  WEST AVE.,STRIPMALL,QC

12.PUREGOLD JR. KALAYAAN

13.PUREGOLD JR. TIMOG

14.PUREGOLD PRICE CLUB SOUTHPARK PARANAQUE

15. EARTH ORIGINS,WILSON ST., GREENHILLS near cardinal santos medical center = cococider soap/cocos cider vinegar

16. THE GOOD SHELF v.luna ext.,cor sikatuna village,maginhawa st,QC =  cococider soap only
17.STA LUCIA EAST MALL SUPERMARKET (New Building)= Marikina City


Sunday, November 15, 2015

HANAP KO INVESTOR....

Karamihan na nasa ibang bansa na OFW ay naghahanap ng mapaglalagakan ng kanilang kinikita para panghanda sa kinabukasan nila kung sakaling hindi na sila babalik ng bansang pinagtratrabahuan nila.

Ng dahil sa aking produkto na inaasam ng madaming supermarkets sa ating bansa at sa haba ng proseso ng paggawa ng COCOS CIDER VINEGAR  at COCOCIDER BATH SOAP na umaabot ng anim na buwan hanggang makarating sa pamilihan at ang bayaran na umaabot ng dalawang buwan bago mapasakamay ko;kayat nangangailangan ako ng magpifinance sa akin para maipagpatuloy ang ganitong sistema;kailangan ay may namumuhunan o ang tawag dito ay investor.

Hindi  kalakihan ang hanap namin sa mga investors;kung anu lang ang kaya ng isang namumuhunan na mailagak sa amin para lang makapag operate kami ng maayos sa processing ng mga produktong ito.

Ang perang ilalagak nyo ay kikita ng 24% kada taon ang garantiya nyo ay ang  contract ng galing sa SEC,proof na kayo ay naging investor ng THE COCOCIDER INC..Pwede ninyong basahin ang monthly o quarterly ng sales of account, at bank to bank ang deposit ng incentives o interests ng perang inilagak nyo sa amin.Renewable ang contract after two years kung gusto nyo pang erenew o hindi na ang kontrata nyo sa amin.

Ang pagnenegosyo lalo na sa atin na OFW o kahit na sinupaman ay talagang mahirap, mahirap dahil sa pag umpisa pa lang ay tiyak na walang return of investments ng dalawang taon,swerte pa yon siguro pag may ROI kana ng dalawang taon,pero karamihan ay sumusuko sa panahong yon.

Ang THE COCOCIDER INC., ay nag umpisa na ng 2007 na dati ay KAPGREEN AGRICULTURAL PRODUCTS, talagang sa panahong iyon ay hirap ang dinanas namin lalo na sa marketing,hindi kami sumuko at talagang hinanap namin ang tamang panahon para matanggap ngmamimili.Hanggang itonanga siya,tanggap nang karamihan at ito naman ang naging problema,sa financing,pero umuusad pa rin kahit manawari,paunti unti lang ang production pero kailangan na talaga ang mass production nito.

Kung sinuman ang may gusto;makipagugnayan lang kayo sa aking Sales/ Marketing Manager,Mr. Alex Borja +63 9216713754 para sa detalye nito.








PAYAK NA BUHAY.....

Sa hirap ng buhay ngayon,bawal na  yata ang magkasakit,ngunit mahirap yata mangyari ang hindi magkasakit kung naglipana naman sa paligid ligid natin ang mga hindi kanais nais na pagkain na maisubo sa kumakalam na sikmura .Parang ang buhay na ngayon ay napakaiksi at napakadaling lumipas at makalimutan.

Sa aking nakagawian sa buhay,kung tutuusin payak at napakasimply lamang,itinuro sa amin ng aming mga magulang at inihahain sa hapag kainan,yong mga tumutubo sa paligid at hindi yaong nanggaling sa ibang bansa,hindi rin nakakatikim ng mga naprosesong pagkain o ang mga lutong restaurants dahil sa kakapusan sigurong salapi sa ganong sitwasyon kayat yong kasya lamang sa bulsa ng hikahos na pamilya ang aming natitikman.

Naalala ko tuloy noon na pag ang asukal mo ay puti ang kulay ikaw ay mayaman na o nakakariwasa sa buhay,samantalang kami ay brown sugar lamang.Barako na kape pa ang aming gamit sa almusal kung minsan walang ulam.

Naalala ko tuloy saging na cavendish na mura pa,haluan lamang ng dahon ng malunggay at talaba at iginulay na denengdeng,yan na ang ulam namin ng tanghalian.

Ngayon akinng nakagawian ang ganung pamumuhay,hinahanap hanapsa hapag kainan,kayat tuloy akingnatatamasa ang kasariwaan ng kalusugan na aking ipinagpapasalamat sa aking mga magulang,na aking isinusulat sa aking blog upang kahit manawari ay kapulutan ng magandang halimbawa ng nakakabasa nito at sanay mapagisipan at mapagaralan na din.

Pagkagising sa umaga,inom ng isang basong tubig na galing gripo at isang lagok ng cocos cider vinegar bago ako magkape,pag akoy maliligo,aking inihahalo kalahating kutsarang cocos cider vinegar sa isang batyang tubig,at sa gabi bago matulog,isang lagok ng cocos cider vinegar ulit para sa mahimbing kong pagtulog.

Ito'y aking ginagawa ika labing tatlong taon na ang nakakaraan,at aking ipinagpapasalamat sa kaitaas taasan na aking ngayon natatamasa ang kasariwaan at kasaganaan,ay aking isinasiwalat  sa nakararami nating nabubuhay sa mundong ibabaw.

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR  sa selected outlets nila at EARTHORIGINS sa Metro Manila lamangsa ngayon.


Wednesday, November 11, 2015

Ang buhay ng isang halaman..


Ang sustansyang galing sa lupa  ay nagiging enerhiya ng isang halaman sa pamamagitan ng paghigop ng mga ugat nito.Una,hihigupin ng pinakamaliit na ugat(tertiary roots) na nakadikit sa (secondary roots) na nakadik sa unang malaking ugat.Dadaan ito sa ikalawa at unang ugat(primary roots) paakyat sa mga bahagi nito na dadaan sa mga puno,sanga,hanggang makarating sa mga dahon at bunga nito.Pantay pantay na pamamahagi sa lahat ng bahagi nito.

Habang paakyat ang mga sustansiyang hinigop ng ikatatlong ugat sa lupa, kaakibat ang mga ito ang sikat ng araw sa pamamagitan ng photosynthesis na isang uri ng pagproseso  ng isang halaman  para madali naman nilang magamit mga ito bilang enerhiya.

Ang chlorophyll naman ay siyang nagpapaberde ng kulay nito at nagsisilbing green pigmentation ng isang halaman para maging kulay berde sa mga berdeng dahon.Kung napapansin ninyo na ang mga halaman ay may mga ibat ibang klase o uri ng mga kulay ng dahon depende  na rin sa klima na nakakaapekto naman sa  chorophyll  na nagiging sanhi ng pagbabago ng mga kulay ng isang halaman at kasama na rin  kung anung uri ng genes na kaakibat nito kayat berde pag berde,dilaw pag dilaw,purple pag purple pero lahat ng mga ito ay dumaan sa chlorophyll.

Ang sustansiya ng lupa ay may nangyayaring proseso habang umaakyat papaitaas sa mga dahon nito at sa dulo sa mga prutas nito.Mas malakas humigop ng sustansiya ang isang halaman pag sumapit sila sa stage ng flowering o pamumukadkad ng mga bulaklak para maihanda naman nila ang mga sustansiyang kailangan ng mga bunga na magiging pagkain naman ng mga tao.

Kapag mayroong kakulangan sa sustansiya ng lupa na hindi sapat sa  kailangan ng halaman, ito ay nagkakaroon ng mga senyales o sintomas para ipaalam sa nag aalaga at mapansin naman ito,pero oras na isinantabi naman ang kakulangan ng mga ito,nagiging sanhi ng pagkamatay o maliliit na bunga o dili kayay kakulangan sa paglaki nila o tinatawag na staunted growth.

Meron tatlong napakalaking nutrihina na kinakailangan ng isang halaman;(N,P,K).Ang N ay nitrogen,P ay phosporous at K ay potassium.

Ang Nitrogen ay para sa pagpapalaki o growth ng halaman,Phosporous ay sa mga vegetative parts at ang Potassium  ay siyang namamahala sa flowering o fruiting stage nito.Micro nutrients naman ang tawag sa mga ibat ibang minerals.

Kapag may kakulangan sa maliliit na nutrihena, ang tawag naman dito ay defficiency.Makikita ang mga kakulangan nito  sa mga ibat ibang bahagi o parte ng isang halaman.Kapag hindi maagapan mga ito,tuluyang hindi mapapakinabangan ang bunga ng mga ito.



Tuesday, November 10, 2015

SYNTHETIC / NATURAL / ORGANIC APPLICATION .

What is "Natural", "Organic",Synthetic agricultural produced.

Natural  produced are those grown on  natural way of farming without  used of synthetic fertilizers,insecticides or any man made applications which affects to their growth. Cultivation,compost and watering is only applied.Routinely planted at the same soil with different kinds of plants is not an issue.Seeds  either organic,natural or synthetic parents.


Organically grown are those planted in a "virgin soil" or no history of previous planting,seeds are with records that came from  organic parents,applied with compost fertilizers,natural source of water like spring and rain, away from irrigated canals and other agricultural crops that are planted in synthetic method.The produced crops are very sensitive to sunlight,easy to wilt and wrinkled.


Synthetic agricultural produced are rampant,seeds are commercialized,applied with synthetic fertilizers,spray with insecticides,weedicides,herbicides,watered with irrigated water or any source.Perishable but not sensitive unlike organically grown crops.

Friday, November 6, 2015

PILIPINAS na aking INIIROG

Bata pa lamang ako(grade 4),mahilig na ako sa pag oobserba ng kakaiba;halimbawang kung bakit natutulog ang pusa,kayat iniinjectionan ko ng gamot pantao para sa gabi lang matulog.Kung bakit nakapangalan ang alaga naming baboy sa akin,sabi ng nanay ko para daw mabilis lumaki yong baboy,hanggang itinanatago na lang ng nanay ko ang baboy dahil tinuturukan ko daw yong alaga nya ng kung anu anu. Gusto ko lagi sa school namin sa number 1,pag naman nasa number 1 ay gusto ko ng mas mataas sa number1.Mga ilan lamang sa kakaiba kong gusto noong bata pa ako,

Hindi ko na sana gagamitin ang isip ko sa kalusugan ng iba datapwat dumapo naman sa akin ang karamdaman na simpleng  kidney stone ko ay hindi matanggal tanggal sa haba na ng prusisyon na gamutan ang aking inabot,dumating pa ang bago na aplikante na highblood pressure na dumapo noon sa akin.Sa hirap na ng aming buhay dahil walang naipun na pera at nasa Pilipinas na ako ng dahil sa mga karamdamang ito.

Alam kong  mahabang taon (2002)at malaking pera ang gagastusin namin kaso kailangan na talaga para umpisahan na ang aking research at pag aaral,at sa aking katawan (subject matter)para aking masubukan ang naimbento kong COCOS CIDER VINEGAR.

Sa lahat ng bansang napuntahan ko,sampu yata yon o labing dalawa abot kamay ko na ang pangarap at ginhawa ang maging citizen  sa bansa nila (2 bansa) ;pero aking tinanggihan at mas lalo pang pinalawak ang aking kaisipan. Aking ipinagpaliban ang mga pagtanggap ng ibang bansa alang alang sa lupang sinilangan.Marami na ang kagaya ko,ipinagpalit ang naturalisa pero hindi natin sila masisisi,kung ang lupang iniirog ay bulok ang sistema sa pamamahala.Ng dahil sa nakita kong hirap ng nasa ibang bansa,aking bansang sinilangan ay isakatuparan ang aking naimbento at palawakin pa para maabot ng nakararami hindi lang sa Pilipinas kundi kahit na anung bansang gustuhin ang aking produktong makakapagdulot ng tuwa at kaalwanan at kaginhawahan ng pakiramdam.

Pangarap  kung ito na ang "finale" sa pagiimbento na alam kong makakatulong sa atin at sa bansa nating iniirog,nag aantay sa inyo sa inyong pagbabalik at sa pagtanda tayo ay aarugain.





Thursday, November 5, 2015

BAHAY KUBO

Noon,mahirap ka pag ang bahay mo ay yari sa kawayan ang sahig,ang dingding at pawid ay tahi tahing nipa leavves,ang hagdan at haligi ay yari sa kawayan.Tyak,lagi may tulo at nakatali ang bahay pagsapit ng tag ulan at bagyo.

Pero ngayon iba na ang panahon,mahl na ang magpaggawa ng ganitong bahay,pawid pa lang libo na ang gagastusin mo,pwera pa ang mga kawayan na gagamitin mo.

Noon,magluto ka lang sa bahay kubo ng denengding,ituring ka ng mahirap ng iyong mga kapitbahay at kakaiba na ngayon;exotic na ba ga ang mga ganitong gulay.

Ngayon naman ay uso na ang mga instants lalong lalo na sa mga pagkain,fastfoods at syempre sa sariling pangkalusugan.Madami na rin ang tinatamad maglakad lakad,lagi na lang nakasakay sa mga sasakyan.Mas lalo na sa mga fastfoods resto,laging jump packed lahat.Nakakatuwang pagmasdan.

Yon nga lang nakapanlulumong pagmasdan habang naglalakad,anjan na ang malalaking tiyan,mabagal maglakad.

Maaamoy mo din ang mga ibat ibang uri ng pampahid sa kanilang katawan,mas lalong titindi pagsapit ng dapithapon.

Sana habang tayo bata pa,dapat alagaan na natin ang ating kalusugan;huwag na nating hintayin pa ang makaranas ng karamdaman,pero mahirap yata mangyari sa totoong nakagawian.

Hindi kasi nila tayo naturuan ng tamang pagmentena ng kaaya ayang pangangatawan,para tayong nag aapurang makarating agad sa patutunguhan,nagmamadaling magpayaman.Ang mga gulay gulay sa kapaligiran ay hindi na kayang abutin ng nakararami,tamad na rin silang maghanda sa hapag kainan,gusto pa ang mga instant noodles o delata na iharap sa kanilang kainan,na may kasamang softdrinks.Hindi ko alam kung alam nila ang dulot nito sa kanila,siguro bastat mabusog lang sila.

Madami ng taong nagiiyak pag may karamdaman,na sanay matulungan silang mapahaba ang kanilang buhay.Gagawin ang lahat,gastusin ang yaman lahat para sa ikalalawig ng kanilang buhay pero ganyan talaga ang buhay;pagsisisi sa bandang huli.

Madali lang naman maging malusog ang pangangatawan,ugaliin lang kumain  ang preskong  katutubong tanim na gulay sa kapaligiran at,yon lang ang dapat.Kung anung lahi ka,yong katutubong tanim ang iyong kainin at hindi ang tanim na galing sa ibang bansa.Ang nadidikta sa ating kaisipan at kalusugan ay ang kung anung "genes" ka nagsimula at namuo at yon ang dapat.

Kung ang lahi mo ay pilipino,isipin mo na lang ang kantang "bahay kubo" at doon ka makakapulot ng ikakaganda ng iyong kalusugan.





Wednesday, November 4, 2015

mataas na daloy ng dugo(highblood pressure)

Marami nasa atin ang nagkakaroon ng sakit na HIGH BLOOD,parang balewala na lang sa atin ang karamdaman na ito.Samut saring gamot na ang atin natitikman pero ni wala man lang sa mga nakakainum ng mga gamot na ito ang parang "wala lang"at parang protektadong protektado na sila na hindi na sila maaatake habang umiinum ng gamot na enerereseta.

Balewala na rin kung ilang taon o dekada na silang umiinum ng gamot,pero kung iisipin lang nila ay hindi sila gumagaling o bagkus dumadami pa ang kanilang nararamdaman.

Kung alam lang nila na ang neresetang gamot ay pampakalma lang o ibig sabihin ay malaki ang tsansang atakehin sila anuman oras kahit na nakainum na sila ng neresetang gamot.Sa ngayon wala pang gamot na enererseta ang maaaring mawala ang karamdaman na highblood;pero kung tutuusin ay napakahabang panahon na ang nakaraan ang sakit na ito na hanggang sa ngayon ay wala pang nagagawa ang mga malalaking kumpanya para dito;na ibig sabihin balewala na lang talaga ang buhay sa mundo.

Sa mga nagkakaedad ay karaniwan na ang mga sakit na ito,anjan ang pamamanhid ng katawan  pagkagising sa umaga,parang tinutusok ang mga kamay at paa,panghihilik sa gabi habang natutulog, yan lang ang ilang mga sintomas sa mga may karamdaman na ito.

Uminom palagi ng COCOS CIDER VINEGAR para mapababa ang pagtaas ng dugo,mapalabnaw nya ang lapot ng dugo,at may limang minerals lalong lalo na ang Magnesium,zinc,manganese,iron,calcium na nakapaloob sa produktong ito na kailangang kailangan ng isang pasyenteng may HIGHBLOOD pressure,at tiyak bababa na ang dugo.




Tuesday, November 3, 2015

Preservation of skin....

Ang tubig ay nagtataglay ng  hydrogen at oxygen  na kailangan sa ating labas at loob ng katawan.Kung paano natin mabibigyan ng tamang minerals ang ating balat ay  karamihan ay ang tanging gamit lamang ay skin lotions at ito ay hindi nakakaganda sa ating balat,bagkus ito ay nakakasira at nakakapagbilis ng balat na tumanda.Nagkakaroon pa ito ng kemikal reactions ng kapaligiran at  ng mga bacteria at umiiba ng amoy pagdating ng hapon.

Kung paano ang gagawin para panatilihin natin ang preskong pakiramdam at preskong pawis na hindi madaling bahayan ng mga bacteria ay simply lamang para mabigyan ng kahit na katiting na importansiya ang ating balat na nagproprotekta  para hindi ito agad agad makapasok sa loob ng ating katawan.

Pares ni Cleopatra na ginagawa nya ay naglalagay ng vinegar tuwing siya ay maliligo,bakit sa ngayon ay hindi ito nakagawian;dahil sa ang nakagisnan nating mga suka ay may kaakibat na kemikals na ikinakasama ng ating katawan at balat kayat ito ay nabura na sa ating kaisipan mula  noon at ngayon.

Ako ay aking ginawa ng hindi ko inisip kung ano mangyayari dahil sa intentsyon kung pananaliksik para sa aking produkto pero ginawa ko  sa loob ng mahabang  taon na ang paghahalo ng COCOS CIDER VINEGAR(15-30ml) kada isang batyang tubig na aking ipinapanligo araw araw  ay  hindi ko sukat akalain na tama pala noon si CLEOPATRA at hindi haka haka man lang...na ang COCOSCIDER VINEGAR ay  hindi ito ordinaryong suka man lang ay isang natural na pampapreserba ng  ilan gamit nito para sa pangmatagalan na gamitan na nagtataglay ng napaka importanteng minerals na kailangan ng malusog na pangangatawan..
(tignan nyo ang larawan;ang unang imahe  sa ibaba ay ang aking braso,at ang pangalawang imahe ay aking braso).

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR  sa PUREGOLD at EARTH ORIGINS  sa Metro Manila lamang.



Daing na Bangus...masarap na ,masustansiya pa..

Materiales:
1 kilogram Bangus(linisin at hugasan)
50ml COCOS CIDER VINEGAR
4 butil na bawang(hiwain na maliliit)
vetsin(hatiin lamang yong tig dos na vetsin)
paminta powder(dos pesos)
asin (ayon sa inyong panglasa)

Kumuha ng lalagyan para sa inyong pagtitimpla,ilagay ang mga sumusunod;50ml cocos cider vinegar,bawang,vetsin,asin,paminta.Haluhaluin at saka tikman na naaayon sa inyong panglasa.

Pag ayos at ok na ang lasa saka ninyo ilatag ang bangus na inyong nalinisan sa inyong tinimplahan na pambabad na nakataob at flat na flat ang pagkaayos para mababad lahat ng bawat parte nito.

Ilagay sa ref ng lima o anim na oras,saka ninyo iprito.

Ibang amoy ang inyong malalanghap habang inyong ipriniprito.Andon ang kakaiba at kabihagbighaning amoy na kadyat gugutumin kayo habang ito ay inyong ipriniprito pa lamang.

Sa ganitong paraan ay nahahainan  nyo pa ang pamilya ng masustansiya at simpleng putahe na matitikman lamang sa kabukiran. 

Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR  sa mga selected branches ng PUREGOLD sa Metro Manila at EARTHORIGINS  lamang.

Masarap na BBQ na hindi nila makakalimutan...

Kung anuman ang inyong nakaugalian sa pagbababad ng karneng inyong iihawin,palitan lamang ng COCOS CIDER VINEGAR ang ginamit ninyong condiment.Emarinate nyo lang ng isa o dalawang oras bago ninyo ihawin.

Habang iniihaw ninyo ang BBQ ay inyong maaamoy ang sarap at pati na inyong kapitbahay ay maaamoy nila at mapapatakam sa inyong iniihaw.

Ito ay hindi nakakasawang kainin at mapapalakas ka lang ng kanin na ihahain at mapapasaya at mapapalusog mo pa ang inyong mga kapamilya sa bagong technique na inyong nadiskubre.

Ang lasa ng inihaw na karne na gamit ang COCOS CIDER VINEGAR na inyong matitikman ay para kayong kumakain sa dalampasigan sa probinsyang inyong kinagisnan.Ihain ito ng may nakabalot na dahon ng saging para mas lalong malinamnam..

mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa PUREGOLD selected outlets sa Metro Manila at EarthOrigins.

Technique sa pagluluto ng karne......

Sa paglilinis ng hiwang karne na inyong ihahanda sa hapag kainan ay hindi maiwasan ang ibat ibang kamay na humawak sa pagsalinsalin hanggang makarating sa pamilihan. May iba naman tayong  paraan para masigurong malinis at mapanatili ang sustansya ng karne.

Bago hugasan ng tubig ay ito muna ang inyong gagawin; Una ay maglagay ng 50ml ng COCOS CIDER VINEGAR sa isang planggana at sa isang hiwalay naman na planggana  ay lagyan nyo ng  purong tubig.Humawak kayo ng  isang hiwa ng karne at ito ay apurahan na inyong linisin sa isang planggana na may laman ng cocos cider vinegar(5 seconds) lamang ang paglinis kada isang hiwa sa cocos cider vinegar para hindi ito pumasok sa loob ng karne at agad na agad na ilubog sa isa pang planggana na may laman ng tubig.

Gawin itong technique  sa paghugas ng cocos cider vinegar ng limang segundo kada hiwa at saka ilubog agad sa plangganang may laman na tubig  hanggang malinisan lahat ng karneng inyong iluluto sa oras na iyon.

Inyong mapapansin na maputla ang kulay ng karne,ito ay inampat at sinarhan ng cocos cider vinegar ang pagrerelease ng freshness ng karne.

Pag ito ay naluto na at inyong titikman,malalasahan ninyo ang linamnam at sarap ng totoong lasa ng karne na inyong inihain sa hapag kainan ninyo ng inyong pamilya na hinding hindi nila makakalimutan.

mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa puregold selected outlets na Metro Manila at sa Earthorigins.

MA SUSTANSYANG ICED TEA


MASUSTANSYANG  ICED  TEA …….

 Paraan  para gumawa ng iced tea gamit ang COCOS CIDER VINEGAR…..

 

Ang iced tea na inyong magagawa  dito ay natural  at organiko at mas masustansiya  para sa inyong pamilya iwas pa sa  bottled sodas.

Materiales:

3  kutsarang  COCOS CIDER VINEGAR

1 pirasong yelo  o iced cubes

1/4kilo Raw  sugar

1 litro  tubig

1 pitsel  para sa  lalagyan

 

Mga  Paraan:

1.     Ilagay ang isang litro na tubig sa pitsel,kasa ang asukal at tatlong kutsarang COCOS CIDER VINEGAR.Haluin maigi at tikman kung tama na ang lasa.Magdagdag  ayon sa inyong kagustuhan sa tamis at lasa.

2.     Pagkatapos matimpla saka ilagay ang  isang balot na yelo na tigdodos  pesos.

3.     Pagkatapos  mailagay ang yelo ay pwede na itong ihanda sa hapag kainan.

 
Matatagpuan ang COCOS CIDER VINEGAR sa PUREGOLD selected branches sa Metro Manila lamang.

All Natural products from coconuts

My inventions for about 20 years of study for my daily life. All naturally organic products from coconuts for my health. If you wish to avai...