Sa hirap ng buhay ngayon,bawal na yata ang magkasakit,ngunit mahirap yata mangyari ang hindi magkasakit kung naglipana naman sa paligid ligid natin ang mga hindi kanais nais na pagkain na maisubo sa kumakalam na sikmura .Parang ang buhay na ngayon ay napakaiksi at napakadaling lumipas at makalimutan.
Sa aking nakagawian sa buhay,kung tutuusin payak at napakasimply lamang,itinuro sa amin ng aming mga magulang at inihahain sa hapag kainan,yong mga tumutubo sa paligid at hindi yaong nanggaling sa ibang bansa,hindi rin nakakatikim ng mga naprosesong pagkain o ang mga lutong restaurants dahil sa kakapusan sigurong salapi sa ganong sitwasyon kayat yong kasya lamang sa bulsa ng hikahos na pamilya ang aming natitikman.
Naalala ko tuloy noon na pag ang asukal mo ay puti ang kulay ikaw ay mayaman na o nakakariwasa sa buhay,samantalang kami ay brown sugar lamang.Barako na kape pa ang aming gamit sa almusal kung minsan walang ulam.
Naalala ko tuloy saging na cavendish na mura pa,haluan lamang ng dahon ng malunggay at talaba at iginulay na denengdeng,yan na ang ulam namin ng tanghalian.
Ngayon akinng nakagawian ang ganung pamumuhay,hinahanap hanapsa hapag kainan,kayat tuloy akingnatatamasa ang kasariwaan ng kalusugan na aking ipinagpapasalamat sa aking mga magulang,na aking isinusulat sa aking blog upang kahit manawari ay kapulutan ng magandang halimbawa ng nakakabasa nito at sanay mapagisipan at mapagaralan na din.
Pagkagising sa umaga,inom ng isang basong tubig na galing gripo at isang lagok ng cocos cider vinegar bago ako magkape,pag akoy maliligo,aking inihahalo kalahating kutsarang cocos cider vinegar sa isang batyang tubig,at sa gabi bago matulog,isang lagok ng cocos cider vinegar ulit para sa mahimbing kong pagtulog.
Ito'y aking ginagawa ika labing tatlong taon na ang nakakaraan,at aking ipinagpapasalamat sa kaitaas taasan na aking ngayon natatamasa ang kasariwaan at kasaganaan,ay aking isinasiwalat sa nakararami nating nabubuhay sa mundong ibabaw.
Mabibili lamang ang COCOS CIDER VINEGAR sa selected outlets nila at EARTHORIGINS sa Metro Manila lamangsa ngayon.